10/11/2025
TUBIG-BAHA, PUWEDENG INUMIN GAMIT ANG WATER FILTER NG DSWD?
Ipinakita ni DSWD Asec. Irene Dumlao ang portable water filtration kit na inihanda ng ahensya bilang bahagi ng paghahanda sa pagdating ng Super Typhoon Uwan.
Ayon kay Dumlao, kayang salain nito ang tubig-baha para gawing ligtas na inumin โ isang teknolohiyang unang ipinakilala mismo ni Marcos Jr. noong Hulyo 2025.
Noong Hulyo 2025, nag-viral ang eksenang uminom si Marcos Jr. ng tubig mula sa alulod na sinala ng DSWD portable filtration system sa gitna ng preparasyon para sa Bagyong Crising.
โWalang amoy. Tikman ninyo,โ wika ng Pangulo bago tunggain ang tubig, saka pa sinabing:
โThis thing really works.โ
Ipinagmalaki ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na layunin ng nasabing sistema na magbigay ng malinis na inumin sa mga nasalanta ng bagyo, lalo na sa mga lugar na walang access sa potable water.
Samantala, nagpahayag ng matinding pangamba ang ilang eksperto tungkol sa paggamit ng nasabing filtration kit.
Ayon sa kanila, hindi pa malinaw kung kaya nitong tuluyang salain ang mga mikrobyo o virus mula sa dumi ng hayop, gayundin ang mga kemikal mula sa langis o makina ng sasakyan na karaniwang nahahalo sa tubig-baha.
Nagbabala sila na kung hindi ganap na nasasala ang mga ito, maaaring magdulot pa rin ng panganib sa kalusugan ang pag-inom ng ganitong tubig kahit na dumaan sa filter.