11/08/2025
May nireplyan ako sa youtube channel natin at gusto ko lang ishare yun reply dito para dagdag kaalaman din sa iba.
So basically ang issue nya ay 50% palang yun battery pero namamatay na agad ang powerstation. (Just check the picture para sa full comment nya)
My explanation: Yun percentage na pinapakita ng powerstation ay nagrerely lang sa voltage ng battery na hindi accurate pag ang battery mo ay lifepo4. Flat kasi ang voltage curve ng lifepo4 kaya mahirap ipredict ang capacity based lang sa voltage. Pwede kasing 3.2v yun cell pero pwede syang nasa 40% or 70% nalang ang capacity kaya kung minsan possible na 50% ang nakalagay pero almost empty na pala ang battery.
Para malaman nyo if may defect ang battery nyo. Gawin nyo po ang ganito.
1. Ifully charge ang battery to 100%
2. lagyan nyo ng fixed na load like isang 50w na incandescand bulb(Anything will work basta sure na fixed ang wattage nya).
3. Orasan mo kung gaano katagal bago mamatay.
4. icompare mo sa computation na 230Wh / 50w(or kung ano ang wattage ng isinaksak mo)
Sa 50w na load dapat magtatagal sya ng close to 4.6 hours.
If malapit sa computation mo ang itinagal ng powerstation then pwede mo na iignore yun 50% ang battery pero namatay na agad kasi nakuha mo naman yun totoong capacity ng battery. Meaning hindi lang talaga accurate yun nakalagay na 50%
If malayo naman sa computation ang nakuha mo, like 2 hours lang namatay na agad, eh possible nga na 50% palang ay namamatay na agad yun battery, meaning may issue talaga ang battery mo. Most likely unbalanced ang cells kaya namamatay na agad kahit 50% pa ang capacity.
Follow up question: Bakit pa nila nilagay yun battery percentage indicator if hindi naman accurate? Defective ba yun?
Answer: Hindi sya defective, hindi lang sya suited for lifepo4, nilagay nila yan kasi sya ang mura, I guess nilagay parin nila kahit hindi accurate para lang may battery gauge ka parin. ang tama dapat na ilagay dyan ay yun nagbibilang ng total power talaga (eg: coulombmeter) at hindi lang nagrerely sa voltage para accurate yun nakadisplay pero since it is a budget power station ay yan lang ang kaya nila ilagay.