Mohammad Cana - Islamic Contents

Mohammad Cana - Islamic Contents Sharing the beauty of Islam❤️

19/09/2025

📌Paalala para sa mga Magulang.

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuho.

Nais po naming ipaalam na magkakaroon ng Musabaqah(Qur'an activities and Games) para sa mga estudyante sa darating na Sabado-Linggo, 3:30 - 5:30 ng hapon ( Bukas) In Sha Allah.

📌Ang Musabaqah na ito ay para lamang sa mga estudyante ng Halaqah Ali Yushop for Wahyaen.

📌Para po sa sinumang nais mag Sadaqah ( Pera man o Pagkain), maaari po ninyong ipaabot kay Ustad Asnodin bago ang Musabaqah.

Maraming salamat po sainyong suporta at pakikiisa.
Nawa'y gantimpalaan kayo ni Allah ng kabutihan.

Jazakumullahu Khairan.

-Halaqah Ali Yusoph for Wahyaen

18/09/2025

🔴Live! - Ang batas ng Islam sa Vlogging (Especially Pawang katatawanan lamang ang Content)

Maa Shaa Allah, oh diba may mga Sisters talaga na malawak ang pang-unawa✌️😁 Ano masasabi niyo?
18/09/2025

Maa Shaa Allah, oh diba may mga Sisters talaga na malawak ang pang-unawa✌️😁 Ano masasabi niyo?

Kaparehas na insidente na nangyari kay Senator Robin Padilla ang nangyari kay Prince William noong May 21, 2019.Sa ibang...
18/09/2025

Kaparehas na insidente na nangyari kay Senator Robin Padilla ang nangyari kay Prince William noong May 21, 2019.

Sa ibang anggulo na kuha ng mga photographer kay Prince William ay tila itoy nag-middle finger! Ngunit nang magviral ito, nagsilabasan din ang iba pang anggulo na kuha din ng ibang mga photographer sa naturang pangyayare at dito lumabas ang isang anggulo na kung saan hindi naman palaga talaga middle finger ang ginawa ni Prince Darwin kundi nag hand gesture siya ng “Three”.

Pero ang nakakalungkot lang sa panig ng ating butihing Senador na si Robin Padilla ay parang dinoktor pa yung sa kanya, enidit talaga! gusto talaga siyang siraan!

Ngunit Alhamdulillah, eto ay na-handle ng mabuti ng ating Senador Robin Padilla ayon sa pamamaraan ng isang tunay na Muslim at lumabas pa rin ang katotohanan at naging dahilan pa ito para mas maipalaganap ang Tawhid at ang Islam sa Senado at sa buong Pilipinas!

Subhanallah, ganito ang plano ng Allah! Pinagplanohan nila ng masama si Senator Robin Padilla ngunit hindi nila alam na may plano din sa kanila ang Allah! Subhanallah!

Sinabi ng Allah sa banal na Quran:

وَمَكَرُواْ وَمَكَرَ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ

54. At sila na mga di naniniwala ay nagbalak at ang Allah ay nagbalak din laban sa kanila! At ang Allah ay higit na mahusay sa lahat ng mga nagbabalak.

Aali-'Imran | Surah 3 verse 54

✍️ Mohammad Cana - Islamic Contents

17/09/2025

Kaya pala nag-init si Sen. Robin Padilla ! | Reaction Video

Pinapanood natin ngayon, ang hinaing ng ating butihing Senador Robin Padilla at inaanalisa natin ang mga maari nating ma...
16/09/2025

Pinapanood natin ngayon, ang hinaing ng ating butihing Senador Robin Padilla at inaanalisa natin ang mga maari nating mapulot na aral dito para sa ating sarili at sa ating lahat, In Shaa Allah.

Madalas lagi tayong huli sa balita😅 kayat di agad tayo nakakagawa ng video. Isa pa kahit makagawa agad ay pahirapan sa pag-e-edit kayat nagtatagal.

Share ko lang sa ating lahat na tayo ay hindi basta2x gumagawa ng isang video nang hindi natin ito naaanalisa ng maayos, nagsusulat ako ng Script para kapag natapos ko yung script ay babasahin ko kung ok na ba at kung may mga dapat pang ayusin.

Sapagkat ang hangarin natin ay hindi mauwi sa wala ang mapapanood niyong video natin, dahil oras ang pinag-uusapan natin dito at ang kahalagahan ng oras sa Islam ay talaga namang binigyang diin ng ating relihiyon at kabilang ito sa itatanong saatin sa araw ng paghuhukom.

Ganon din na sinisikap nating makapagbigay ng aral sa last part ng ating mga reaction videos bilang paalala una saaking sarili at sa ating lahat.

In Shaa Allah, baka bukas ay matapos natin ito habang mainit-init pa😁 at In Shaa Allah, makabuluhan ang Video na gagawin natin patungkol dito, In Shaa Allah.

✍️ Mohammad Cana - Islamic Contents

1 time, napadpad ako sa Bible dahil sa isang video na napanood ko dito sa fb at sa aking pagpapatuloy magbasa, nang magl...
16/09/2025

1 time, napadpad ako sa Bible dahil sa isang video na napanood ko dito sa fb at sa aking pagpapatuloy magbasa, nang magle-leave na sana ako sa website na napuntahan ko ay siya ring pagkabasa ko ng verse na nasa larawan.

Kayat dahil sa verse na ito, napagtanto ko na ang tunay palang Kristiyano ay mapagmahal at batay sa verse, dapat unconditional love ang iyong taglay para sa kapwa mo tao, take note "KAPWA MO TAO" hindi lang kapwa mo sa pananampalataya.

So kahit papaano ay nakakuha tayo ng benefit sa verse na ito, dahil sa pamamagitan ng verse na ito kapag may Kristiyanong nagcocomment ng masama sa ating mga post ay tatandaan ko palagi ang verse na ito at iisipin ko na lang na hindi naman talaga Kristiyano ang taong umeepal sa comment section kundi "Mangmang na Tao!"

Dahil kung talagang Kristiyano ka, mapagmahal ka pala dapat at once na sinabing mapagmahal ka it means, disiplinado ka, magalang ka, at hindi ka nakakasakit ng damdamin ng iba.

Nakakamangha dahil itong Bible Verse na ito ay similar din sa Hadith ni Propeta Mohammad S.A.W. na kanyang sinabi:

لا يؤمن أحدكم حتى يحب لأخيه ما يحب لنفسك

Hindi kayo magiging ganap na mananampalataya hanggat hindi ninyo minamahal ang inyong kapatid tulad ng pagmamahal niyo sa inyong mga sarili.

Kaya ang pinakaaral sa post na ito ay kung sasaliksikin at isasabuhay lamang ng mga tao ang ang aral ng kanilang relihiyon ay walang mangyayaring bangayan sa pagitan ng bawat isa at ang resulta nito ay kapayapaan.

✍️ Mohammad Cana - Islamic Contents

15/09/2025

Nagkakagulatan😂 | Pagsasanay sa aming mga Estudyante para sa kanilang Musabaqah na isasagawa sa September 20-21, 2025 In Shaa Allah.

15/09/2025

.

14/09/2025

Pagtitimpi at Pagtitiwala sa Diyos imbes na magdemanda.
-Sen. Robin Padilla
🫡

Agad sinusubok ng Allah ang ating pasensya😅 kaka-upload lang natin sa Reaction Video natin patungkol sa viral issue ni S...
14/09/2025

Agad sinusubok ng Allah ang ating pasensya😅 kaka-upload lang natin sa Reaction Video natin patungkol sa viral issue ni Senator Robin Padilla at sa dulo ng Video na ito ay nagbigay tayo ng pangaral patungkol sa kainaman ng pagtitimpi.

Sa kasamaang palad, ang pinakaunang commentator natin ay malikot ang daliri dahil tila pang-iinsulto ang kanyang comment saatin.

Bilang normal na tao na deboto sa kanyang paniniwala, hindi mo maiiwasang masaktan kapag ang iyong paniniwala na ang atakihin ngunit sa mga ganitong sitwasyon lagi mong alalahanin na mas makakabuting magtimpi dahil ito ang payo saatin ng ating mahal na Propeta Mohammad Sumakanya nawa ang kapayapaan.

Sapat na na maipaliwanag mo ang iyong paniniwala ng mahinahon at kung hindi man nila ito tanggap, huwag ka nang makipag-argumento sa kanila dahil mawawalan ka lang ng control sa sarili mo kapag patuloy ka pang nakipagtalo sa mga ganitong uri ng tao.

Lagi nating tandaan, na kahit gaano ka magpakabuti at magpakatuwid, hinding-hindi ka makakaligtas sa mga mata ng mga taong mapanghusga.

Kaya saludo ako sa ipinakita ng ating butihing Senador Robin Padilla sa kanyang live video na never natin siyang nakitang nagwala o nagsalita ng mga masasakit na salita sa mga taong nanira sa kanya, nagpaliwanag lang siya, nagtimpi at ipinasa diyos na lamang niya ito na siyang marapat nating tularan! Saludo po kami sayo mahal naming Senador.🫡

Ito ay paalala una sa aking sarili at para sa ating lahat, Shukran!

✍️ Mohammad Cana - Islamic Contents

Address

Brgy. 649, Zone 68, Baseco, Port Area
Manila
1018

Telephone

+639261765808

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mohammad Cana - Islamic Contents posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mohammad Cana - Islamic Contents:

Share