31/10/2022
𝗞𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗜𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗻, 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼 𝗜𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻!
Mula sa bayan ng tagapagpahayag, kami ang 𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢𝗛𝗢𝗞𝗔𝗡 mula sa Adamson University at inaanyayahan namin kayo na dumalo sa aming podcast via Facebook live na pinamagatang 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘𝗦’ 𝗖𝗥𝗬 𝗢𝗡 𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦 sa darating na Huwebes, Ika- 3 ng Nobyembre taong 2022, 8 PM.
Sama-sama nating alamin ang gampanin ng ating mga katutubo sa patuloy na paglaban sa krisis pangkapaligiran, pagpapanatili at pangangalaga sa likas na yaman ng ating bansa. Makakasama natin si Bb. Angel Fuerte, mula sa Obo Manobo Tribe (Lumad) upang mapalalim ang ating diskurso patungkol sa karapatan, kalikasan, at kultura na matagal na nilang ipinaglalaban.
𝗞𝘂𝗺𝗶𝗹𝗼𝘀, 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮, 𝗜𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻