31/05/2026
St. Francis Clinics & Dialysis Center
MAKE A WISH: BACK-TO-SCHOOL WITH STF 2026
Exclusive for STF Dialysis Patients
"STF Makes Wishes Come True"
SINO ANG MAAARING SUMALI?
✅ Bukas para sa lahat ng pasyente ng STF Dialysis Center (Bagong Pasyente man o Matagal nang Pasyente)
Maaaring magpasa ng kahilingan para sa:
• Anak
• Kapatid
• Apo
MGA KAHILINGAN
🎒 Para lamang sa mga Pangangailangan sa Pag-aaral
Halimbawa:
• School Supplies
• School Bag
• Sapatos sa Paaralan
• Uniporme
• Notebook
• Iba pang Kagamitang Pang-edukasyon
MGA KAILANGANG DOKUMENTO
Katibayan ng relasyon (kahit po picture lang₱
• Birth Certificate
• Valid ID
• Anumang Government-Issued Document na nagpapatunay ng relasyon sa benepisyaryo
Katibayan ng Pag-aaral (kahit po picture lang)
• Certificate of Enrollment
• Registration Form
• Kasalukuyang School ID
• Official Receipt ng Enrollment
• Iba pang dokumentong nagpapatunay ng kasalukuyang pag-aaral
PAANO SUMALI?
Isulat ang inyong kahilingan sa Official Wish Form.
Ilakip ang mga kinakailangang dokumento.
Ihulog ang inyong entry sa MAKE A WISH BOX na matatagpuan sa Admin Office.
DEADLINE NG PAGPAPASA
📅 Hunyo 2, 2026 (Martes)
🕔 Alas-5:00 ng Hapon
PAGPILI NG MGA MANANALO
🎡 Ang mga mananalo ay pipiliin sa pamamagitan ng Spin-the-Wheel Draw.
🏆 Apat (4) na Masuwerteng Mananalo ang mapipili.
Tanging mga kwalipikadong entry na may kumpletong dokumento lamang ang maisasama sa draw.
MAHALAGANG PAALALA
Ang pagpapasa ng kahilingan ay hindi nangangahulugang awtomatiko kang mapipili. Ang mga kulang o hindi kumpletong requirements ay hindi maisasama sa draw.
STF LEADS THE WAY
🎒 4 NA MASUWERTENG MANANALO
🎁 4 NA KAHILINGANG MATUTUPAD
⭐ 4 NA PANGARAP ANG MASUSUPORTAHAN
"Bawat bata ay nararapat magkaroon ng mas magandang simula sa kanilang pag-aaral. Sama-sama nating tuparin ang kanilang mga pangarap."