12/08/2024
PAHAYAG
August 9, 2024
We, Filipinos, deserve better.
So, I am using my position, resources and platform, to be the voice for my fellow Filipinos who are left unheard.
Dalawang beses akong nakaranas ng baha sa bahay mismo ng mga magulang ko sa Taal St., Davao City. Nasira ang mga kagamitan namin at puro burak ang kapaligiran — hindi siya nakakatuwa. Naranasan ko ring maglakad sa tubig baha na hanggang dibdib at tuluyang lumangoy na lamang — hindi siya masaya. Naranasan ko maging mayor at may namatay na 30 katao nang dahil sa isang flash flood — hanggang ngayon masakit pa rin sa damdamin ko ito.
So l am using my position, resources and platform to be the voice to show our government officials HOW TO COMMAND.
I am using my position, resources and platform just as I did in the past — noong ako ay mayor pa lamang, sinabihan ko ang NEDA XI na kailangan ng pag-aaral para sa flood control at drainage. Ito ay para may sinusundan ang City Engineer's Office (CEO) at DPWH na plano at hindi na sila mag-imbento ng proyekto.
Kaya nga mayroong nagawa ang PRRD administration sa flood planning. Nasimulan noong Setyembre 2016 at na-publish noong Hulyo 2023 ang Master Plan and Feasibility Study for Flood Control and Drainage para sa Davao City.
Baka naman gusto nang pondohan ang mga infrastructure projects na naaayon sa masterplan? O baka naman may alinlangan pa hinggil dito dahil Duterte ang mayor at mas mamarapatin nilang gibain na lang?
Leadership is faithfulness to the oath of office. Leadership is faithful service to the people.
Leaders should only say one thing — that "it is done".
Leaders should not be motivated by cash, co***ne or champagne.
And, most certainly, leaders should not be made to hold champagne glasses.
Again — We, Filipinos, deserve better.
We, Filipinos, should be the best.
Shoutout sa JICA at Japanese Government na tumulong sa Davao City. You are the best.
Thank you.
Pahayag ni: V.P SARA Z. DUTERTE
Courtesy: Vice President of the Philippines