24/06/2025
BICYCLE RIDER, NABANGGA
Nabangga ang isang lalaking bicycle rider ng isang humaharurot na SUV sa eastbound lane ng Shaw Blvd. ngayong Martes, June 24.
Nirespondehan siya ng Brgy. Kapitolyo emergency unit pero idineklarang wala na siyang pulso.
Base sa ulat, lumipat ng ibang lane ang bicycle rider dahil may nakaharang na AUV sa bicycle lane.
Dahil sa insidente, bumigat ang trapiko sa nasabing kalsada.
📷: Jerick Baluyot