Dee "No ownership or rights claimed, for entertainment only." Submit your random stories here 📩
" https://forms.gle/YGXwkCw26jLL4M2A7 "
(12)

My lossDi ko ugali yung magpost o magbasa sa mga ganitong nababaduyan kasi ako noon pero kapag broken ka magagawa lahat ...
18/08/2025

My loss

Di ko ugali yung magpost o magbasa sa mga ganitong nababaduyan kasi ako noon pero kapag broken ka magagawa lahat ng bagay dahil madadala ka ng emosyon mo. So ayun haha share ko lang dahil ako lang magisa dito, wala ako mapagsabihan. Ang nanay ko nasa abroad, tatay ko di ko kilala.

Halos isang linggo pa lang nung madiskubre ng ex ko na may babae ako. Ayun hiwalay na kami ngayon. Di ko alam pano sisimulan pero model kasi ako. Aminado ako na gwapo ako, hawig ko daw si Dion Ignacio. Marami na din akong napanalong pageant kahit nung nasa Cebu pa ako. Bukod sa face value matangkad din ako. 6'5. So ayun hindi ako nagyayabang para itaas yung sarili ko dahil lugmok na lugmok ako ngayon. Para lang magets niyo kung bakit ang lakas ng loob ko mangbabae.

Yung (ex) girlfriend ko ay boyish. Hindi siya yung mapagpanggap na boyish haha, boyish talaga siya. Porma niya, ugali niya. Kaya nagclick kami kasi gets niya yung timpla ng lalaki. Sa itsura average lang. Siya yung tipo ng babae na di maganda sa unang tingin pero habang natagal naganda. Haha gets niyo ba? Pero kahit kilos lalaki siya mataas ang standard niya. Never siya pumatol sa pang seseduce ko sa kanya. Wala pa kaming parehas na experience sa s*x pero kapag nadadala ng lust of the flesh inaakit ko siya haha pero hindi siya bumigay ni minsan. Di ko din naman siya pinipilit pero honestly minsan gusto ko na tlagang bumigay sya. Isa yun sa mga minahal ko sa kanya. Hindi siya easy girl. Punong puno siya ng challenge. Wife material, to be honest.

Nakita ko na yung future ko kasama siya. Okay na nga sa parents niya na matulog ako sa kanila. Tapos matutulog siya sa amin dahil hindi talaga sya nagawa ng kalokohan. Although medyo happy go lucky din siya sa acads kagaya ko haha. Come what may. Wala siyang arte.

Ewan ko ba pero gusto ko na kasi talagang maranasan. Siguro dahil sa kwento ng mga tropa ko kaya na
curious ako. Masarap daw. So last summer may outing kaming mga model sa agency dahil birthday nung isang boss so nag pa blowout siya. Kasama ako dun tska si Candy. Si Candy ay katrabaho ko na matagal ng nagpapahiwatig na may gusto sakin. Hindi ako nang sslut-shame pero cowgirl na siya. Ibig sabihin sanay na sa kabayo. Haha. Marami ng naik**a. So ayun the whole night seduce siya ng seduce sakin. pero nag control ako. To be honest nagcontrol ako. For my girl. Pero nung naginuman na..the rest is history.

May nangyari sa amin ni Candy. I woke up na binoblow niya ako. Nung nagising na ako (medyo hangover pa) I was like, """'WTF!"'" but she hold it tighter, more intense, and I was carried away.

Hindi ko sinasadya yung una, pero choice ko na yung pangalawa. We went on for weeks, months. Wala kaming ginawa ni Candy kung hindi s*x dito, quickie doon. She even taught me techniques, she made me watch p**n. Sobrang laki ng pinagbago ko. Di na nakakapunta yung gf ko sa apartment ko dahil kay Candy ako nasstay. Onti na lang time ko sa kanya, sabi ko busy lang sa shoot, mga raket etc. Pero p**a, gago na boyfriend niya. Walang k**alay malay yung girlfriend ko na sobrang gago na ng boyfriend niya. I can't escape. Totoo pala yung masarap ang bawal. Dahil kapag iniisip ko na iiwan ko yung babae ko, hindi maibibigay ng girlfriend ko yung lust na naibibigay ni Candy. SOBRANG WALANG KWENTANG DAHILAN. G*GO KO. SOBRANG G*GO.

Dumating yung time na nakalimutan kong 4th anniversary na namin. My girlfriend prepared a surprise for me. May susi siya ng apartment ko so di ko alam na naghanda at nandun siya. Candlelight dinner yung theme ng surprise niya sa akin. May scrapbook, tapos nag ayos siya. Sobrang ganda niya nung gabing yun. Bumili siya ng Charmander na stufftoy, (favourite ko si Charmander) pinaorder niya pa kay mama sa japan. Pero sinayang ko lahat.

Nacaught in the act kami ni Candy sa kwarto ng apartment ko. Sa sobrang lust di ko napansin si charmander, yung mga picture sa dingding. Mga lobo.. Yung preparation niya for that day.

My girlfriend just stood there. Blank face but lonely eyes. Hindi siya umiyak pero her fists are clenched. Akala ko ako yung sasaktan niya eh. Pero ang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lang na duguan yung ilong Candy. Basag na yung lampshade ko. And my girl, yung k**ay niya, sobrang violet. Padabog niyang nilagay sa k**ay ko yung ring na para sakin. Sunod niyang hinubad yung sa kanya. Doon siya umiyak dahil nakalagay yung ring dun sa injured hand niya. Hindi niya matanggal. Nagbreakdown siya sa harap ko.

Sobrang hindi ko alam ang gagawin. Nagbihis ako at pinaalis ko na si Candy without even worrying about her situation. Natauhan ako bigla. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Umupo ako sa k**a katabi yung girlfriend ko. Iyak siya ng iyak. Mga 10 minutes kaming tahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang sakit. Sobrang gago ko.
Ito yung mga natatandaan ko sa mga sinabi niya dahil lutang ako nung mga samdaling yun.

"Yun lang ang hindi ko binigay sayo, ganun ba talaga yun kahalaga sayo para lokohin mo ko?"
"Anong nangyari sayo? Hindi ka ganyan. Hindi tayo ganito."
"Kinuntsaba ko pa si tita para sa charmandrr mo. Alam niya tong surprise ko sayo. Ang tagal kong binalak to tapos ako na pala yung matagal na niloloko?"
"Huling beses na na makikita mo ako. Wag mo na akong hahabulin. Sasabihin ko kay papa na naharass ako kaya injured yung k**ay ko. Wag mo kong guguluhin kung ayaw mong malaman nila na nangyari to."
"Paalam. Sobrang sakit mahal."
And then she left.

Sa lahat ng sinabi niya, sorry lang ako ng sorry. iyak ako ng iyak. Hindi ko siya mahawakan. Wala akong magawa. At ito ako ngayon. Haha naiiyak ako habang tinatyle ko to. Kung may typo man pasensya na. Kung tatanungin niyo kung kamusta na si Candy, hindi ko alam. Umalis na ako dun sa agwncy namin tutal malaks ako dun sa isanh boss.
Para akong namatay. I lost my bride.
Nawala lahat. Isang iglap lang.
Im sharing this kasi baka sakali lang mabasa mo.

I love you. I'm sorry g*go ako. Im sorry for everything. Wag mong isipin na hindi kita mahal dahil hindi talaga kita hinabol. Sobrang nahihiya ako sayo. Hindi mo ako deserve. Nakita ko lahat ng effort mo nung anniversary natin.sobrang sinayang kita:( kung ayaw mo na talaga akong makita. Do not reply to my confession. Although I want to give us a second chance, alam kong sira na yung tiwala mo.

Every I love you hurts kasi huli na ang lahat at binubulong ko na lang sa hangin. But for the last time, I love you. And Im sorry :(

PASAHEROMatagal na naikwento ng daddy ko ito sa akin. Naalala ko lang kaya share ko na din.Very common ang story pero to...
12/08/2025

PASAHERO

Matagal na naikwento ng daddy ko ito sa akin. Naalala ko lang kaya share ko na din.

Very common ang story pero totoo daw na nangyari.

Dati pumapasada ang daddy ko ng tricycle. Byahero sya ng isda sa fishport. Ang byahe palagi ay twing gabi.

Madaling araw na at pabalik si daddy sa fishport para pumick up ng pasahero on the way sya papunta ng fishport ng may pumara sa kanya. Nagtataka sya bkit nasa madilim na lugar ung babae na pumara, nagdadalawang isip sya kung hihintuan nya yung babae. Dahil hindi na bago sa kanya ung mga ganun na modus na sasakay sa madilim na parte na lugar akala mag isa lang ung gurl pero may mga kasabwat. Nagdadalawang isip man isinakay ng daddy ko ung babae.

Nagulat sya sa bilis ng pagsakay nung babae.
"Fishport lang" sabi nung babae

Sakto isip isip ng daddy. Habang nasa byahe tinitignan nya un babae na sakay nya. Wala naman daw sa itsura na byahero para sa fishport pumunta.

Naka short at t-shirt daw na puti peo marumi daw ung tshirt. Nahihiya sya tanungin kung bakit madumi ung damit. Habang nasa byahe paarangkada si daddy sa mataas na tulay napansin nya wala na yung babae na sakay nya.

Imposible na bumababa ng hindi nya napapansin dahil hindi naman sya huminto habang nagbabyahe sya. At kaka alis nya lang ng tingin sa babae. Pero bakit bigla nawala. Imposible din na tumalon ang babae sa tricycle na hindi nya mapapansin.

Dumiretso sya sa fishport na nasa malalim na pag iisip.
Habang nakatambay sa fishport tinignan nya ung upuan, sa loob ang dumi ng upuan,
Alam nya kung san galing yun! Dahil isang pasahero lang ang sumakay sa kanya na marumi ang suot..

Di sya namalikmata! Totoo na may isinakay sya na pasahero.

HOSPITAL Dati si mommy ko hindi naniniwala sa paranormal sabi pa nga nya nun. Too see is to believe. Para kayong mga tan...
11/08/2025

HOSPITAL

Dati si mommy ko hindi naniniwala sa paranormal sabi pa nga nya nun. Too see is to believe. Para kayong mga tanga nagpapaniwala kayo sa multo tinatakot nyo lang ang mga sarili nyo. Ganyan ang sagot sa amin ng mommy ko kapag multo na ang usapan.. pero nabago na ang lahat ng paniniwala nya...

Year 2012 na confine ang kapatid ko dahil sa bulutong.. goverment hospital sya na confine (di ko na po sasabihin ung name ng hospital) actually di naman talaga na i-confine ang may bulutong ka*o kasabay ng infection sa dugo so confine talaga.

Hindi pwede isama sa ward yung kapatid ko dahil may bulutong nga sya. Mahahawa ang ibang pasyente. Wala din bakante na private room.

Sa isolation room sya naka confine. Si mommy lang ang nagbabantay sa kanya. Isolation ward ang pinaglagyan sa kapatid ko. 20 beds ang andun pero sya lang ang naka confine. Pinakadulo ng hallway ang isolation room at napakalayo sa lahat ng room. Silang dalawa lang ang nasa room ng mommy ko.

On the first night nila dun. Nakahiga ang mommy ko bed pero nagising sya ingay ng mga nagkukwentuhan. Mga salita na hindi nya maintindihan pero alam nya nagkukwentuhan. Bumangon sya at sumilip sa labas pero walang tao. Hinayaan na lang nya.

Mga around 3am nagising daw sya sa lagaslas ng tubig sa banyo. Bukas ang gripo. Naisip nya baka nakalimutan lang ng kapatid ko.
Kinaumagahan tinanong nya ung kapatid ko, hindi daw sya bumangon para mag cr. Napuyat din daw sya mga ingay na naririnig nya. Dalawa pala sila nakarinig ng ingay.

Lagi mataas ang lagnat ng kapatid ko. Hindi sya nawawalan ng lagnat. pinagtataka ng mommy ko yun.

Sa 2nd day nila sa hospital walang dumadalaw dahil takot mahawaan even me di ako dumalaw dun.

2nd night na experience ng mommy ko may mga silhoutte.. as in "mga" dahil marami. Na nagdadaanan at nagpapaikot-ikot sa ward. Natatakot na si mommy pero hindi nya pinapahalata sa kapatid ko dahil matatakutin yun. May mga narinig pa syang umiiyak.

3rd day. Nung pangatlong araw. Natakot ang mommy ko dahil ung oxygen ng kapatid ko bumubula pero hindi ginagamit ng kapatid ko, ibig sabihin kapag bumubula yun ay may gumagamit.

Pagdating ng hapon. Nagtataka si mom bakit ang sama ng tingin ng kapatid ko sa kanya as in sobrang sama ng tingin. Tapos lalong natakot mom ko dahil tingin nya sa kapatid ko nag iiba ng itsura ginawa nya yinakap nya ang kapatid ko at dinasalan. Maya maya nagtaka daw kapatid ko bakit daw yakap sya ni mom. Eh natutulog lang naman sya. Hindi nya daw tinitignan ng masama so mommy ko.

On that day pumirma si mommy ng waiver para makauwi na sila. Hindi na daw nya kakayanin ung mga iba pang mangyayari hospital. Nung nag clearance sila hospital. Kinuwento nya ung nangyari dun sa isang nurse. Sabi ng nurse. Ung ward daw un. Dun nilalagay ung mga rabbies patient. Ung mga nauulol na nakagat ng a*o. Dun sila madalas nagwawala hanggang sa mamatay na ang pasyente.

Words from a fighterI am a senior high school student right now, a student who works hard for her future. I was not the ...
09/08/2025

Words from a fighter

I am a senior high school student right now, a student who works hard for her future. I was not the type of person na mahilig mag send ng confession but I badly want to share my thoughts. I am from a broken family, at the age of 15 I started working while I am studying.

I get tired, I have a severe deppression, I tried to k**l myself before when I was 16, everynight I'm having my anxiety attack, everytime I sleep I'm having the same nightmare over and over again... A nightmare that k**ls me everytime I remember it. And no one knows that 'cause people see me as a jolly and funny person. Ako kasi yung babaeng kilala nila na palatawa, na kung titignan parang walang problema, yung babaeng napakagaling mag advice sa iba, yung babaeng active lagi at yung babaeng laging nandyan para sa iba at sa bandang huli naiiwan na mag isa.

I was a girl that has been molested at a young age, I was bullied, "Marumi ka!" "Di na virgin" "Walang tatanggap sayo" etc. I was lost. I was broken into a million pieces. I tried to fix myself, to put back all those broken pieces and I did. I smile despite of those darkest days of my life, I chose to make people happy, to love them with all my heart, to be with them all the time and to make people feel special. Kasi alam ko ang pakiramdam ng mag isa, ang pakiramdam na hinuhusgahan ka, ang pakiramdam na sinusukuan ka ng lahat at ang pakiramdam na wala kang kwenta.

Ilang beses akong nadapa, nalagmok, at nalunod but now I refuse to shrink. I chose to took up space 'cause I am a woman with dignity. Hindi made define ng past ko ang halaga ko bilang tao. Hindi ma de define ng kahit na sino ang dignidad ko. I am human being – I exist, therefore I matter... My voice matters, my opinion matters, my thought matters and my feelings matters.

To those people who judge me, to those people I trust the most but left me in the end, to those people who stab me in the back, to those peopel who bring me down and to those people who hurt me the most, thank you for the great lesson. Thank you for making me a stronger person. Know that I am a strong independent woman, you cannot bring me down no matter how hard you try.

To those people who play a big part in my life right now, thank you for staying even though it was so hard to be with me. Katulad ng lagi kong sinasabi... Please note that I am fragile, mahirap hawakan at madaling mabasag. I am so wounded that I cannot accept another one.

To those people who's suffering from depression, who felt the same feeling as mine. Stay strong You are a blessing, you are worthy, you deserve to be happy, you deserve all the good things that life can offer you, you deserve to be loved and accepted. Know that there is always someone who will pray for you to heal, who will pray to give you more strength and that there is someone who loves you unconditionally. Have faith, everything happens for a rea*on.

And don't ever try to k**l yourself kasi hindi matatapos ang sakit pag n***tay ka, magpapatuloy yun at mapapasa sa ibang tao sa mga taong nagmamahal sayo... Gusto mobang makita silang nasasaktan? If not, then be strong. I love you.

PAMPANGA Im from malabon pero ang mother ko is originaly from pampanga.Im only 13 years of age nung mangyari ung experie...
09/08/2025

PAMPANGA

Im from malabon pero ang mother ko is originaly from pampanga.

Im only 13 years of age nung mangyari ung experience na ito sa amin. Di ko alam pero that time di ako natakot or what. Pero sila medyo kinilabutan lang.

Umuwi ka ng pampanga ng biglaan kasi n***tay na ung lolo ng mommy ko so lolo ko sa tuhod ata tawag dun.
Umuwi kame ng last day ng burol. Isang jeep kame nun sa pagkakatanda ko.

Habang nasa burol kame. At nakikipag kwentuhan sabi ng mga tao doon ang lolo daw simula ng namatay ay marami daw naka bantay na engkanto at kapre mga lamang lupa. Kasi nung buhay pa daw si lolo mang gagamot ito at may mga alaga daw sya na lamang lupa.
Kaya ng n***tay ang matanda hindi din daw umaalis ang ang mga engkanto sa tabi ng bangkay ng lolo. Ung naamoy daw namen sa sobrang mapanghi at mabaho sa ataol ng lolo un daw ang amoy ng engkanto na nagbabantay sa kanya. Ibig sabihin daw nun andun lang sa palagid ang mga engkanto.

Ewan ko pero that time di ako naniniwala eh.
Hindi sanay mag puyat ang mommy ko kaya inaya nya na ako matulog sa isa sa mga kwarto doon. Ung kwarto eh nasa likod bahay marami puno duon at ang cr ay nasa labas din.

Sa pagkakatanda ko. Naglalaro ako ng brick game nun ng ayain ako ng mommy ko na mag cr. Pumayag ako dahil naiihi na rin ako.

Nauna si mommy mag cr. Kasi maliit lang ung banyo di kame pwde mag sabay doon. So nauna sya nasa labas ako nag hihintay. Malamig doon sa lugar at mahangin. Syempre dahil probinsya. Pagkatapos ni mommy mag cr ako naman ang nag cr hinintay nya din. Ako habang nasa loob ako may narinig kame na sitsit' akala ko ako lang ang nakarinig. Dalawa pala kame ng mommy ko.

Mommy: Narinig mo yun?
Me: Alin?
Mommy: Yung sumisitsit
Me: Oo, kanina pa nga un dun pa lang sa tinutulugan natin.

Pinagmadali ako ni mommy na mag cr pag labas ko medyo mahangin talaga sa labas napatingala si mommy ko sa may puno ng mangga. May nakita sya na mapulang parang apoy sa may puno daw. Sabi nya lang sa akin wag daw ako titingin sa taas mag diretso lakad lang daw ako. Diretso daw kame sa lamay ulit.

So sumunod lang ako kay mommy ko.
Pagdating namen ulit sa lamay. Naikwento ng mommy ko ung nakita nya. Yun daw ang kapre sabi ng mga taga doon na nag babantay sa lolo.
Madaling araw nun nilibing din si lolo ewan ko. 1st time ko naka kita ng ganun na madaling araw nililibing ang patay.

Sayang di ako tumingin sa taas that time di sana nakita ko rin ang nakita ng mommy ko..

Sa ngayon pag umuuwi kame sa pampanga wala na ko naririnig na kwento pero maraming experience sila naikukwento. Marami pa ko ma ishare na experience nila.

HAPPY FOR YOU"If happy is her... I'm happy for you." Kapapalit mo lang ng DP mo. Nakita ko kahit binlock mo ako. Ang swe...
08/08/2025

HAPPY FOR YOU

"If happy is her... I'm happy for you."

Kapapalit mo lang ng DP mo. Nakita ko kahit binlock mo ako. Ang sweet niyo. Nakakainggit. Parang yung mga pictures natin dati.

I know you're still mad at me dahil sinayang ko ung relationship natin. Sinayang kita. Nakipagbreak ako without giving you any acceptable rea*on. I know that's really unfair. Indeed unfair. Ilang beses kang nagmakaawa, ilang beses kang lumuhod sa harap ko, ilang beses kang humingi ng tawad, umiyak, kahit wala ka namang ginawang masama. Hindi ka naka-graduate on time dahil puro bagsak ang grades mo - di ka raw natutulog sabi ng bestfriend mo dahil sa akin. Tinaboy kita. Binalewala. Sinaktan. Sorry.

Pero wala kang ginawang masama. Di mo ako ni minsan sinaktan. Wala kang ginawa kundi intindihin at mahalin ako. Nasa akin ang problema. Ginusto kong mapag-isa. Ginusto ko munang mahalin ang sarili ko. Dahil hindi ko alam kung paano kita mamahalin kung ang sarili ko hindi ko kayang mahalin. Palagi kitang inaaway noon. At ayaw ko nang saktan ka pa. Tatlong taon kang nagtiis at umintindi. Hindi ko magagawang hayaan na dagdagan pa ng mga taon na mamuhay ka nang miserable dahil sa akin. Mahal kita.

Mga araw na hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gulong-gulo ang utak ko. Emotionally unstable. Ni hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Ayaw na kitang hilahin pa pababa.

Pero kahit mag-dadalawang taon na mula nung iwan kita, mahal pa rin kita at walang nagbago dun. Ikaw pa rin ang wallpaper sa phone at laptop ko. Nasa wallet ko pa rin ang picture mo. I still have all the things that you gave me. Ikaw pa rin. Ikaw ang ginawa kong inspirasyon para hanapin ang sarili ko. Kasi alam kong may mga taong nagmamahal sa akin at isa ka doon.

Ngayong ok na ako, at mukhang ok ka na rin.. masaya na rin ako.

She is so lucky to have you dahil ikaw yung lalaking kabaligtaran ng karamihan. You are real. You know how to take a good care of the person you love. I can see that you really love her. I can see it in your eyes. Even though I feel deeply jealous and hurt, I'm happy for you.

I love you and will always do.

Dahil due date na ng loan namin nag send ako ng 8k pesos sa account nya dahil under sa name nya ang loan namin. Tapos na...
05/08/2025

Dahil due date na ng loan namin nag send ako ng 8k pesos sa account nya dahil under sa name nya ang loan namin. Tapos nalaman ko na...

Kung kayo sa situation ko ano ang gagawin nyo? I really need an opinion from you.
Here's my story!

Legal wife ako may anak kami. SEAMAN ang asawa ko. Ako naman ay isang OFW.
Recently lang umamin ang asawa ko na nag susugal siya. Almost 30k yung talo nya bago niya inamin sa akin. Galit na galit ako sa kanya dahil may mga loan na kami tapos nakuha pa niyang mag sugal.

Sa sobrang galit ko,kung ano ano na lang ang sinasabi ko at siya naman nagmamaka awa na bigyan ko daw siya ng last chance, grabi yung iyak nya at lumipas ang ilang araw pinatawad ko siya.

Dahil due date na ng loan namin nag send ako ng 8k pesos sa account nya dahil under sa name nya ang loan namin. Tapos nag bayad din ako ng CC dahil ginamit namin ang CC for investment.
After 8 days kung kelan boarding na sya sa plane inamin nya sa akin na nag sugal daw siya ulit dahil gusto nya mabawi ang talo nya.

Since wala siyang pera pang sugal. Yung 8k na pang bayad ng loan sinugal nya. Yung necklace ko na nasa kanya sinanla at sinugal nya. Tapos lahat ng CC namin ginamit nya ulit kasi kakabayad ko lang so may available limit na naman. At aside pa dyan umutang siya sa mga kaibigan nya ng worth 60k.

Ngayon wala ng luha ang bumuhos sa mga mata ko tanging galit nalang sa puso ko ang meron. Nanghihingi ulit siya ng last chance babagohin daw niya lahat at aayosin nya lahat dahil kawawa ang bata.

Halos wala nang matira sa sahod nya dahil mapupunta lang sa mga loan at utang nya. May mga loan kami dahil sa mga investment namin. Kaya naman sana bayaran kasi d naman kami nag loan ng hindi pinag isipan. Ka*o lang talaga ngayon ginamit nya ulit ang CC at umutang pa sa iba.

Dapat ko na ba syang iwan at wag na bigyan ng chance? Or pipilitin kong makisama parin dahil sa anak namin?

A SWEET LIE(Sabi nila kapag ang tao ay lasing, mag sasabi ng totoo. Paano kung malaman mo na hindi ka pala talaga niya m...
05/08/2025

A SWEET LIE

(Sabi nila kapag ang tao ay lasing, mag sasabi ng totoo. Paano kung malaman mo na hindi ka pala talaga niya minahal? Na hindi totoo ang pinakita niya sa'yo? Anong mararamdaman mo? Is that a white lie or a sweet yet sinful lie?)

Nasa kwarto ako at nag lilinis ng mga kalat, naging routine ko na kasi ang pag lilinis kapag free time o weekends. Habang nag pupunas ng mga picture frame nag papatugtog ako gamit ang cellphone ko (Bluetooth) kaya rinig na rinig ang pag ring nito nang may tumawag.

"Oh, hello?" Hindi ko na tinignan ang pangalan dahil, kilala ko na kung sino.

Siya lang kasi ang nilagyan ko ng ringtone na 'Thousand years', ang boyfriend ko na si Benidict.

"Hey, babe. Magpapaalam lang sana ako, may inuman kasi kila James mamaya, p'wede ba 'kong sumama? Don't worry walang babae. Kami kami lang nila James and Tyron. Kung gusto mo sumama, mas maganda. Para naman mainggit ko sila hahaha. Sunduin kita kung sasama ka." Natatawang sabi niya, natawa din naman ako.

Hindi ako mahigpit sa kaniya, marunong naman kasi siyang magpaalam at alam niya ang limitasyon niya. Kaya malaki ang tiwala ko.

"Oo naman, Babe. P'wede. Pero hindi na ako sasama ah? Boys date yan eh hahaha. Basta wag masyadong mag pagabi ah? Mag-enjoy kayo okay? I trust you." Palagi naman ayon ang huling litanya ko sa kaniya. I trust you.

Sa tatlong taon, hindi ko na siguro kailangan pagdudahan siya. At mababait naman sila James at naging kaibigan ko na rin.

"Thankyou, Sav ko. I love you!" Sagot niya at natawa naman ako.
"Inuuto mo na naman ako, Benedict ko." Pangaasar ko sa kaniya.
"No, baby. Sadyang thankful lang ako. Haha!" natawa naman siya sa kalokohan niya.
"O s'ya sige na, mamaya nalang uli tayo mag-usap ah? Naglilinis pa 'ko, mag re-review din ako para sa bar exam." Sagot ko.

Yes, Law ang kurso ko pero hindi naman naging dahilan ng away namin. Siya naman ay Engineering ang kinuha.

"Oh sige, galingan mo ah? Kumain ka okay? I love you!" Sagot niya, sinagot ko naman yon ng I love you too at pinatay na ang call.

Lumipas ang tanghali, at nagsimula na 'kong magreview. Isang linggo nalang at bar exam ko na. Kailangan kong mag-aral.
Hanggang sa mag gabi ay nag-aral ako. Buong mag hapon ay nag focus ako sa libro.
Mga alas nuebe ay nakaramdam ako ng gutom, umunat ako at nahiga sa k**a, kailan kong mag pahinga. Inihiga ko ang sarili ko at tumunganga sa kisame nang biglang nagring ang phone ko.
Tinignan ko ito at nakita kong si James 'yon.

"Hello, oh James napatawag ka?" Bungad ko sa kaniya.
"Hey, pasensya na. At ikaw ang tinawagan ko. Lasing na lasing si Benedict." Sabi niya na ikinagbigla ko.
"Ihahatid ko kasi si Tyron sa kanila, mejo may tama na rin kasi ako, baka p'wedeng ikaw na ang mag sundo kay Benedict dito?" Tanong niya, hindi naman ako nag dalawang isip at agad na nagayos at pumunta kung nasaan sila.

Unang beses mangyari na nalasing si Benedict, kadalasan ay nakakapag kuwentuhan pa kami.
Kumatok ako sa pintuan at agad na binuksan yon nI James.

"Nako pasensya na ah? Aalis na 'ko, ihahatid ko na 'to sa kanila. Baka mahuli pa 'ko sa checkpoint eh. Hintayin mo, nalang ako, bago kayo umalis ah?" Tumango ako bilang sagot at umupo na sa tabi ni Benedict.

Naiwan kaming dalawa dito at tulog na siya. Inayos ko ang mga bote at pinagkainan nila, para wala ng iintindihin si James mamaya. Pero laking gulat ko ng makitang gising si Benedict at nakangiti sa gawi ko.
Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ang mukha niya't tinignan siya.

"Sabi ko wag uminom ng madami, pasaway ka na ah?" Kunwaring galit na sabi ko pero ngumiti lang siya kaya napangiti ako, lasing nga.
"I-I lo *huk* love you" nakangiti at hinawakan ang mukha ko.
"Mahal n-na mah *huk* mahal kita." napangiti akong muli at pinagmasdan siya.
"I-I love you, hehehe" tawa niya pa at tumingin sa akin.

Nanatili akong nakangiti at pinagmamasdan siya.

"M-mahal na *huk* m-mahal kita, Zeyya."
'Zeyya'
'Zeyya'
'Zeyya'

Biglang nagbago ang ihip ng hangin, automatikong nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng gulat. Hindi Zeyyanah ang pangalan ko. Kundi Savannah.

"A-ano? Sino si Zeyyana? Si Savannah ang girlfriend mo." malumanay na sagot ko.

Tumawa siya na ikinabigla ko at umupo ng maayos, "I never love, Savannah *huk* hindi ko siya mahal. Ginamit ko nalang siya para mapalapit at makita si Zeyyana. Nakikita ko siya sa'yo mahal. I miss you." nag pintig ang tenga ko, kusang namuo ang luha sa mata ko at naguunahan tumulo.

"Si Zeyyana ang *huk* ang m-mahal ko." sabi nniya pa, napahawak ako sa bibig ko at hindi ko na mapigilan humagulgol.

Ang sama ng loob ko, ang sakit ng mga narinig ko. Ang sakit sakit.

"P-pintulan *huk* pinatulan ko siya kasi kamukha niya si Zeyyana, nakikita ko siya sa kaniya." Sabi niyang muli.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko sa narinig. All this time akala ko mahal niya ko, pero mali pala. Si Zeyyana pala ang mahal niya at hindi ako. Namatay si Zeyyana dahil sa aksidente, kaya naman hindi ko alam na mag kakilala sila. Ang sakit. Si Zeyyana, ang mahal niya. Ang namatay na kakambal ko.

MY BOYFRIEND'S MOTHER RAISED A...I have a boyfriend named Ice, nagsimula kami sa tagong relasyon dahil mas'yadong istrik...
04/08/2025

MY BOYFRIEND'S MOTHER RAISED A...

I have a boyfriend named Ice, nagsimula kami sa tagong relasyon dahil mas'yadong istrikto ang magulang ko. Gusto nila yung tipong makalumang henerasyon pa na ligawan, yung pu-puntahan pa sa bahay at hihingin ang pahintulot ng magulang. Yung tipong magulang yung nililigawan. Eh paano 'yon? Nagka-kilala lang kami sa online at ang layo namin sa isa't isa. Tiga Davao siya, tiga Bulacan naman ako.

"Babe? P'wedeng maglaro?" agad kong sineen ang chat ni Ice at nagreply.
"Opo, kain ka po muna bago maglaro." agad din itong nagseen at nagreply.
"Done po, I love you."

Hindi naman naging big deal ang pag e-ML niya dahil hindi naman siya nawawalan ng oras sa akin at nagpapaalam naman siya ng maayos.

Nakausap ko na ang mga kapatid niya, alam mo yung feeling na sobrang saya kasi willing at excited siyang ipakilala ka sa member ng family nila. Yung mama niya nalang ang hindi pa dahil nahihiya ako. Halo halo eh. Masaya na malungkot kasi ang hirap kapag sobrang ng istrikto ng parents mo. Yung tipong natatakot ka dahil masakit isiping mad-disappoint sila.

Halos siyam na buwan na kami. Laking pasalamat ko nga dahil never ako prinessure ni Ice about sa pagiging legal. He always understands me. He always listens. Nire-respeto niya ang nararamdaman ko na nagiging dahilan para mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya.

Ilang minuto ang tinagal nang magchat ulit si Ice, "Hi. I'm done, I miss you. Nag one game lang po. How's my princess?"

Nakaramdam ako ng kilig sa chat niya, isa pa sa nakakatuwa ay siya yung tipo na hindi abusado kapag pinapayagan. Alam niya ang limitasyon niya at alam niya kung ano ang mga dapat iwasan. That makes me trust him, even more. Sabi nila kung paano magpalaki ang magulang, makikita ang resulta sa anak at nakikita ko na 'yon. They raised a good man and I'm so lucky to have him.

"I miss you more, how's your game?" ilang saglit pa man ay sumagot na ito.
"Panalo! Tinamad ako eh, namiss kita. Can you send me a picture baby? My day ko lang please?" hindi na ako naginarte at nagsend na sa kaniya.
"Okay na ba yan?"
"S**t. Ang ganda ng girlfriend ko!" natawa naman ako sa pang u-uto niya.

Aminin man natin o hindi, nadadagdagan ang confidence naming mga girls kapag nasasabihan ng compliments lalo na sa mga taong gusto naming pagmulaan no'n.

"Loko, teka out muna ako ah? Tumatawag pinsan ko, love. I love you! " paalam ko at pumayag naman siya.
"Oh sure, magsho-shower na rin muna ako para wala ng abala mamaya sa pag u-usap natin. I love you more!"

He's a kind of man na nasa lugar ang pagse-selos. Never niya akong pinagbawalan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin.

"Oh?" bungad ko sa pinsan kong tumatawag.
"Gusto ko lang sabihin na magiingat ka. Please." narinig ko ang pag iyak niya kaya nag a-alala akong nagtanong.
"What happened?"
"Niloko ako ng boyfriend ko! Hindi ko alam pero alam ng parents niya. Niloko nila ako! Alam pala nilang may iba na." nakaramdam ako ng awa at takot.

No. Hindi mangyayari sa akin 'yon.
Matapos ang tawag na yon ay nagsimula akong ma-paranoid. Nakakaramdam ng takot at hinala kahit wala naman akong nakikita o nararamdamang kaka-iba.

Nagpaalam siya sa akin na may lakad silang mag ka-kaibigan, dahil sa kabaliwan ko, in-open ko ang account niya. Malinis at walang ka-duda duda. Napasampal ako sa sarili dahil sa mga naiisip, ako yung gagawa ng problema sa relasyon namin. Itong selos na walang ka tuturuan.
Ilang minuto ang lumipas nang biglang may nagchat. Mama ang nickname at nagreply sa my day niya na picture ko.

"Jowa mo yan anak?"

Naseen ko lang dahil natatakot ako. Ayaw ba niya sa akin? Ilang saglit pa ay muli itong napa-chat.

"Ayusin mo wag kang loloko ng babae kahit anong mangyari."
"Kasi may kapatid kang babae."
"Umayos ka, hindi ka na bata."

Napahawak ako sa bibig ko at hindi maiwasang ma-iyak. Nangingibabaw ang saya sa dibdib ko. Mag o-off na sana ako nang biglang nag reply si Ice.

"Oo naman ma, mahal ko siya. Soon dadalhin ko siya sa bahay at ipapakilala ko ng personal sa inyo. Sigurado na ako sa kaniya, ma."

Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako habang umiiyak. Bakit napaka-s'werte ko sa taong minahal ko?
Sa sobrang guilty ko, nag off ako sa account niya at nagchat gamit ang account ko.

"Sorry sa mga inasta ko nitong mga nakaraan. Dapat hindi ko ginawa 'yon. Naghinala ako sa walang kwentang bagay. Sorry." ilang saglit pa ay nagreply na ito.
"Nabanggit ng pinsan mo sa akin at naiintindhan ko mahal. Wag kang mag alala, sapat na ang pamasahe ko pa-punta sa inyo. Seryoso ako kaya handa akong humarap sa mga magulang mo, kahit hindi ako magpakilala bilang nobyo mo. Kahit manliligaw pa lang, ayos lang sa akin. I love you." mas napa-iyak ako sa sinabi niya.

I'm so blessed to have a man like him. And I'm thankful that his mother raised him well. My boyfriend's mother raised a good man.

"Thank you so much, love. I love you."
"I love you more."

WAKAS.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share