QuickLit

QuickLit SUPPORTER HERE

Bakit Ako Sumasang-ayon sa “Walang Sleepover”Sa aking anak na nag-tinedyer,Alam kong minsan pakiramdam mo’y hindi patas ...
20/09/2025

Bakit Ako Sumasang-ayon sa “Walang Sleepover”

Sa aking anak na nag-tinedyer,
Alam kong minsan pakiramdam mo’y hindi patas kapag sinasabi kong “hindi.”
Malamang nararamdaman mo rin na parang hindi kita pinagkakatiwalaan — at masakit iyon sa akin.

Pero hindi ikaw ang hindi ko pinagkakatiwan. Ang takot ko ay ang mundong puno ng hindi inaasahang panganib.
May mga tao at sitwasyon na hindi laging may mabuting hangarin. May mga tahanan at pintong sinasarado na nagtatago ng bagay na kayang magbago ng buhay sa isang iglap.

Kaya kapag sinasabi kong “hindi sa sleepover,” hindi ko hinahadlangan ang iyong saya — pinoprotektahan ko ang iyong puso at buhay.
Mas pipiliin kong magalit ka sa akin ngayon at magtampo, kaysa masaktan ka nang lubos na hindi na kayang i-ayos ng yakap ko.

Ang “hindi” ko ay hindi parusa. Ito’y isang “oo” sa iyong kaligtasan, isang “oo” sa panibagong pagkakataon para umunlad at mag-balik-tiwala kapag oras na.
Pinaniniwalaan ko ang iyong pag-lalakbay at alam kong balang araw maiintindihan mo—at magiging pasasalamat mo pa ang mga limitasyong ito.

Mahal kita higit pa sa anumang kasiyahan ngayon. Sa bawat “hindi” ko, nandiyan ang pag-ibig na hindi sumusukat, at ang pag-asa na ikaw ay lalago nang ligtas at matatag.

-Ansilvson

Ingat sa Marites”Sa isang maliit na barangay, kilala si Aling Rosa bilang mabilis kumalat ang balita. Isang bulong lang,...
20/08/2025

Ingat sa Marites”

Sa isang maliit na barangay, kilala si Aling Rosa bilang mabilis kumalat ang balita. Isang bulong lang, bukas buong kapitbahayan alam na.

Isang araw, nakita niyang may kausap si Liza sa tapat ng tindahan. Isang lalaki. Hindi niya kilala. Kinabukasan, kumalat na agad ang kwento:
“May ka-affair daw si Liza, nahuli kahapon!”

Dumating sa asawa ni Liza ang balita. Nag-away sila, nagkatampuhan, muntik pang maghiwalay.

Pero ang hindi alam ni Aling Rosa—ang lalaking kausap ni Liza ay kapatid niyang galing probinsya at ngayon lang sila nagkita ulit.

Nang malaman ng lahat ang totoo, napahiya si Aling Rosa. Naging tahimik ang buong baryo. Doon natutong mag-ingat ang mga tao: bago maniwala, alamin muna ang totoo.

Aral:
Huwag basta maniwala at huwag magpakalat ng balitang walang kasiguraduhan. Ang tsismis, kahit maliit, kayang sirain ang tiwala, pamilya, at pagkakaibigan.

"𝗛𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶"Tahimik ang buong baryo, pero hindi mapakali si Marco. Hawak niya ang cellphone na paulit-ulit niyang binab...
20/08/2025

"𝗛𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶"

Tahimik ang buong baryo, pero hindi mapakali si Marco. Hawak niya ang cellphone na paulit-ulit niyang binabasa ang mga chat. Mga simpleng “kumusta ka na?” hanggang sa “miss kita.” At habang lumalalim ang gabi, lalo siyang dinudurog ng kaba.

Hindi iyon galing sa asawa niya.

Hindi rin sa kung sino lang.

Kundi sa taong pinakapinagkakatiwalaan niya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono. Parang bumibilis ang pintig ng puso niya kasabay ng bawat notification. May mga litrato ring ipinadala—mga ngiti, mga sulyap, mga titig na kilalang-kilala niya. Mula sa parehong mga mata na lagi niyang nakikita sa salamin noong bata pa siya… mga matang palaging kasama niya sa hirap at saya.

Best friend niya.

Habang naglalakad siya sa madilim na kalsada pauwi, parang sumisigaw ang katahimikan. Mga aninong humahaba, mga yapak na umaalingawngaw, at mga huni ng kuliglig na biglang nagiging nakakabingi.

Sa bawat hakbang, iniisip niya: Paano? Kailan nagsimula?

Nang dumating siya sa bahay, hindi agad siya pumasok. Dumungaw muna siya sa bintana. Nakita niya ang asawa niyang nakaupo sa sala. May tawag sa telepono. May ngiti. May halakhak.

Hindi niya marinig ang salita. Pero ramdam niya ang boses. Ramdam niya kung kanino iyon para.

At doon unti-unti niyang naintindihan—hindi siya iniwan ng dilim para takutin siya. Inilantad lang nito ang katotohanang mas nakakatakot pa kaysa sa anino:

Na ang taong akala niya ay kakampi habambuhay… siya mismo ang unti-unting pumapatay sa kanila.

11/08/2025

Word for the Day:

Serendipity (noun) – the occurrence of events by chance in a happy or beneficial way.

Example: Finding that old photo in my drawer was pure serendipity—it brought back such warm memories.

11/08/2025

Anu ibig sabihin ng "MA-OY?"?

09/06/2025

Hi friends. Gusto ko lang mag-share ng kaunting real talk today. Kasi hindi talaga maiiwasan — sa social media, sa buhay — may mga tao talagang babatikos sayo. Minsan kilala mo, minsan strangers lang. Pero ang tanong… paano ba natin dapat i-handle ang bashers?

Una sa lahat, normal lang masaktan. Tao ka. Kahit gaano ka pa ka-positive, may mga words talagang tumatama. Pero eto natutunan ko: 'Don't take it personally — kasi most of the time, it's not really about you.

Alam mo, minsan ‘yung mga taong bumabatikos, sila ‘yung may pinagdadaanan. Hurt people hurt people. Kaya kaysa magalit agad, mas pinipili ko na lang magdasal para sa kanila — and move on.

“Kapag may basher, that means may ginagawa kang worth noticing. You're growing, you're moving, you're being seen. At hindi lahat matutuwa doon. Pero don’t let the noise distract you from your mission.

Hindi mo kontrolado ang sasabihin ng iba. Pero kontrolado mo kung paano ka magre-react. So instead of fighting back, choose peace. Instead of proving them wrong, prove yourself right.

Kaya sa lahat ng nakakaranas ng pambabash, pangungutya, o kahit simpleng panghuhusga — head up, heart strong. Gamitin mo ‘yan para mas tumibay. Minsan ‘yung criticism, fertilizer lang para sa next level ng growth mo.

Keep shining. Kasi ang ilaw, palaging may shadow. Pero hindi ibig sabihin ‘nun, titigil ka nang lumiwanag.

Like and share mo ‘to kung naka-relate ka. At tandaan mo, sa dulo ng lahat ng to… mas mahalaga pa rin ang peace mo kaysa sa opinion nila.

08/06/2025

Esnyr


04/05/2025

You tell me, bakit di mo parin binubura ang video?

03/05/2025

Lamang ang may Alam

30/04/2025

Tips ni Misis Para Kay Mister

"Mga mister, kung gusto n'yong laging sweet si misis, ito ang mga hugot tips galing sa amin:

1. Hindi lahat ng 'Okay lang ako' — OK talaga!
Marunong kang magbasa ng mood, hindi lang ng text!

2. Sa love life, bawal ang 'seen zone'.
Replyan mo agad si misis, kahit 'emoji' lang — huwag puro 'busy'.

3. Sa bahay, hindi sapat ang 'presence', kailangan din ng 'assistance'.
Kahit simpleng pag-abot ng remote, malaking puntos na ‘yan!

4. Flowers are optional, pero 'effort' — mandatory!
Hindi kailangan mahal, basta galing sa puso.

5. At pinakaimportante: Hindi lang pang-Mother’s Day ang pagmamahal.
Araw-araw, dapat may ‘You’re beautiful, Hon’ sa resibo!

Remember, mister:
Kung maalaga ka kay misis, si misis... mas maalaga sa'yo!
(At baka pati sa wallet mo — kaya win-win!)"

-Lamang ang May ALAM

29/04/2025

e-tag na si Mister!

28/04/2025

Patuloy na Sumulong

Sa bawat pagsubok, sa bawat pagkakamali, at sa bawat pagkadapa, tandaan mo:
Hindi doon nagtatapos ang kwento mo.

Ang mahalaga ay hindi kung ilang beses kang nadapa, kundi kung paano ka bumangon at nagpatuloy.
Kahit mabagal ang hakbang, basta't tuloy-tuloy, siguradong may mararating ka.

Patuloy kang lumakad, kahit mabigat.
Patuloy kang mangarap, kahit maraming hadlang.
Patuloy kang maniwala, kahit minsan ay parang ang hirap.

Dahil ang tunay na tagumpay ay para sa mga hindi sumusuko — sa mga naniniwalang kahit mahirap, may liwanag sa dulo ng bawat paglalakbay.

Kaya kapit lang.
Tuloy lang.
Keep moving forward.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QuickLit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share