15/07/2026
π«΅π»Were na you..
HUWAG SANANG KALIMUTAN ITO: Nasaan na ang pera ng Pilipinas?π΅π
OPINION By : Cathy Binag
07/ 14/2026
Bawat piso na kinakaltas sa sweldo natin mula sa mga ordinaryong manggagawa, magsasaka, g**o, hanggang sa mga OFW - ay galing sa dugo, pawis, at sakripisyo ng taong bayan. Ang pondo ng gobyerno ay pondo natin. Pero bakit ngayon, ang yaman ng bansa natin ay parang unti-unting ibinebenta, ipinamimigay, at nawawala nang walang malinaw na paliwanag?
Kapag ang isang tao ay may malalang adiksyon, handa niyang ibenta pati ang huling ari-arian ng pamilya niya - ang ipon ng mga magulang, ang gamit sa kabuhayan, pati ang pang-eskwela ng anak-para lang matustusan ang sarili niyang interes.
Ganyan na ganyan ang nangyayari ngayon sa Pilipinas. Ang pondo ng bayan, ginagawang parang sariling piggy bank.
ANG MGA NUMERONG DAPAT SURIIN NG BAWAT PILIPINO:
Huwag nating hayaang mabulag tayo. Narito ang breakdown ng bilyon-bilyong pondo ng bayan na kailangang panagutan:
π― β±500 BILLION (Flood Control Budget): Napakalaking pondo para sana maiwasan ang baha. Pero tuwing may bagyo, lubog pa rin ang mga komunidad at nagdurusa ang mamamayan. Saan napunta ang pera?
π― β±241 BILLION (2025 GAA "Illegal Insertion"): Pondo na palihim na isiningit sa national budget nang walang tamang proseso at transparency. Sino ang nag-utos at sino ang makikinabang dito?
π― β±250 BILLION (Maharlika Funds): Pondo ng bayan na kinuha para sa "pamumuhunan" at kaunlaran daw, pero hanggang ngayon, walang malinaw na positibong resulta para sa ordinaryong Pilipino.
π― β±129 BILLION (Gold Reserve Sold): Ang reserbang ginto na panangga sana ng bansa sa matitinding krisis sa ekonomiya, ibinenta at nawala.
π― β±89 BILLION (PhilHealth Funds): Pondo para sa kalusugan, ospital, at gamot ng mga mahihirap na Pilipino, ngunit kinuha at inilaan para sa ibang bagay.
π― β±62 BILLION hanggang β±62.5 BILLION (SSS & GSIS Funds): Ito ang pinaghirapang ipon at pensyon ng mga pribado at gobyerno na manggagawa para sa kanilang pagtanda, pero pinapakialaman at inilalagay sa peligro.
π― β±62 BILLION bawat isa (LandBank & DBP Funds): Mga pondo ng bangko ng pamahalaan na dapat sana ay tumutulong sa mga magsasaka at sa lokal na pag-unlad, ngunit kinuha para sa ibang gastusin.
π― β±14.370 BILLION (PCSO Small Town Lottery Prize Fund): Pondo para sa mga premyo at kawanggawa na nagalaw nang walang sapat na supporting documents ayon sa COA audit report.
MGA ARI-ARIAN NG BANSA NA IBINENTA AT IPINAMIGAY:
Hindi lang pondo ang nababawasan, pati ang mga estratehikong ari-arian natin ay nawawala na rin sa ilalim ng administrasyong ito:
β
NAIA Terminal 3:
Ibinenta sa halagang β±48 BILLION.
β
CBK Hydroelectric Power Plant:
Ibinenta sa halagang β±36 BILLION, na maaaring magdulot ng mas mataas na singil sa kuryente.
β
OceanaGold (Didipio Mine):
Ang operasyon at kontrol ng mga dayuhan sa ating ginto at tanso ay pinalawig pa hanggang taong 2037.
β
Pax Silica Project: 4,000 ektarya ng lupa ng Pilipinas ang ibinigay nang rent-free (walang bayad sa upa) para sa isang special zone sa ilalim ng kontrol ng dayuhang interes.
ANG HAMON SA ATING LAHAT: SA MGA MAINGAY NA NAGSASABE NA MAY MALASAKIT SILA SA ATING BANSA - NASAN NA KAYO? BAKET HINDI NINYO ITO PINAG UUSAPAN?
Ito ay matatawag na tahasang pagsasamantala sa ating Republika. Kung ang isang adik na ninanakawan at binebenta ang ari-arian ng sarili niyang pamilya ay itinuturing nating kriminal, ano ang itatawag natin sa pamumuno na ginagawa ito sa buong bansa?
Magsalita tayo. Magtanong tayo. Dahil ang perang nawawala ay pera natin, pera ng ating mga anak, at pondo para sa kinabukasan ng Pilipinas.
Hanggang kailan natin hahayaang magpatuloy ang ganitong sistema?
Ctto