11/04/2024
PROTIPS - April 12, 2024
Building Trust
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ang tiwala ay mahalagang pundasyon sa matagumpay na pagtatrabaho at pagnenegosyo. Ang sabi nga ni Zig Ziglar, "If people like you they will listen to you. But if they trust you, they will do business with you." Bago ibigay sa iyo ng ibang tao ang kanilang tiwala, madalas ay kailangan mong pagsumikapang makuha ito. Paano nga ba nakukuha at napapatatag ang tiwala sa ating trabaho at negosyo? Pag-usapan natin ito ngayon.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ano nga ba ang iba't-ibang paraan para higit tayong maging trustworthy o katiwatiwala?
1) Be authentic. Kung sino ka kapag kaharap mo ang iyong katrabaho o kliyente, dapat ganoon ka pa rin kahit hindi ka na nila nakikita. Kung ano ang mga salitang binibitiwan mo tungkol sa isang kamanggagawa kapag wala siya, dapat ay kaya mo pa rin itong sabihin kapag magkaharap na kayo. Authenticity requires that you walk your talk. Ang sabi ng social medial marketing expert na si Chris Brogan, "Own your words.Your words are maps to your intentions." Huwag kang mangako kung di mo naman kayang tuparin. Ang iyong salita ay dapat lamang na makita sa iyong gawa.
2) Build healthy relationships. Mas madaling magtiwala sa mga taong kilala mo at kilala ka. Kaya mahalagang maglaan ng panahon para kilalaning lubos ang iyong mga kasama. Ang pagkain ng sama-sama ay magandang paraan magkakilanlanan. Ang kwentuhan habang nagkakainan ay mabuting gawain na nagbubukas ng oportunidad para higit na lumalim at tumatag ang ugnayan ng inyong team. People are more relaxed and more open to share about themselves when they are eating.
3) Be competent. Kung gusto mong makuha ang tiwala ng iyong mga ka-opisina, boss at kliyente, pagbutihin at galingan mo ang iyong trabaho. The quality of your work is the best proof that will convince others to trust you. Kahit na napakahusay mong magsalita kung di ka naman maasahan sa trabaho, ang magandang pananalita ay balewala.
Build trust by being authentic, by nurturing healthy ties and by being competent. May nakapagsabing, "Trust takes years to build, seconds to break and forever to repair." Huwag mong balewalain ang tiwala ng iba sa iyo. Pahalagahan, pag-ingatan at patatagin mo ang tiwalang ito.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!