26/04/2025
"IBA PA RIN PAG MAY KAPATID ANG ANAK MO"
Kahit anong laruan, gadget, o aliw pa ang ibigay mo, walang makakapalit sa kalaro, kakampi, at kaibigan na galing sa loob ng pamilya. Iba ’yung may kaagaw sa pagkain pero kaagapay sa lahat. Iba ’yung may ka-asaran pero kausap bago matulog.
Habang lumalaki sila, mapapansin mong hindi lang sila magkapatid—sila ang magiging sandalan ng isa’t isa sa mga panahong hindi na natin kayang samahan sila sa lahat ng laban.
Kaya totoo talaga yung sinasabing-
Mas buo ang mundo ng anak mo, pag may kapatid siyang kasama. 💯
CTTO ❤️
Mommies Can Relate