15/06/2025
Father's Day Story as a VA
Story time muna tayo na related sa Father's Day dahil father's day ngayon.
Happy Father's Day nga pla to all the dads dito sa group na to and to all your dads.
Eto na nga ang kwento.
3 years ng may Parkinsons ang tatay ko way back 2024 kaya doon kami nakafocus na gamutan. At sasabihin ko sa inyo kung hindi ako VA baka hindi ko afford ang gamot at check ups kasi walang gamot ang Parkinsons. Lifetime ang medicine nito. Since yun lang yung alam naming sakit nya, sa Neurologist lang kami madalas bumalik hanggang sa bigla na lang syang unti unting hindi na nakatayo at nanghina nung May 2024 at nirekomenda na kami magpatingin pa sa ibang doktor.
Salamat sa Diyos VA na ko noon, may pang pa check up. Sa dinami rami ng tests, dun namin napag alaman na meron na pla syang Pleural Effusion or tubig sa baga at 80% na ng right lung nya ay nag shrink na. Di ko maexplain yung mararamdaman ko, sobrang laking pagsubok.
Pero alam nyo mabuti ang Diyos, yung nataong client ko nung mga panahon na yun na client ko na ng maraming taon hanggang ngayon, sya pa mismo nagpa forced leave saken para makapagpahinga ako at paid yun, knowing na 6 digits yung sahod ko per month. Kung anong oras ako magising or makapagpahinga, sya pa yung nag adjust. Sobrang blessed talaga. Napakahirap for me na umabsent kasi I am managing a team. Nagsimula kasi ako sa company nya na mag isa lang ako pero lumaki na yung company nya kaya ako yung naging Leader. Ang hirap iwanan ng team kasi lumalaki yung company. Kasabay rin noon yung paglaki ng income ko.
Mid June 2024 to early August 2024 naka confine yung father ko sa ospital. Oo, sa ospital kami nag Father's Day last year kaya nakakaiyak tong 2025 kasi kasama namin father ko at hindi ko lubos maisip kung nakaya ko kaya yung gastos or pinayagan kaya ako ng boss ko noon sa corporate work ko sa Manila na mag leave ng ganoon katagal. Kasi puro office-based din work ng mga kapatid ko. Pero mabuti ang Diyos, VA na ako nung nangyari yung big challenge na yun. Nagpapasalamat ako sa client ko kasi nakita nya yung dedication ko palaguin yung business nya at binigyan nya ko ng sobrang flexible schedule habang nagbabantay sa ospital. And yes, nakakapagtrabaho pa rin ang isang VA kahit nagbabantay sa ospital. Sobrang iba tong mundo na to. Hindi ako nagsisisi na pinaglaanan ko ng oras matuto kung paano maging isang VA. Araw araw may inaaral pa rin akong bago.
Sa mga nagtatanong kung ano yung niche ko ngayon, sobrang lawak na po eh, team management and system automation na yung nature from Ads to Social Media to Email Marketing to Website to Funnels to SEO to Call Tracking and kung ano ano pa, too many to mention. I guide departments of those basically. And from the fund ng pagiging VA, nakapag put up na rin ako ng bookkeeping and accounting consulting office, passion ko rin kasi ang financial management bukod sa AI development.
Kaya ko kinukwento to ngayon is para sa iba na nagsisimula pa lang na wag kayo titigil maabot pangarap nyo na maging VA. Kaya nitong baguhin ang buhay nyo at pamilya niyo. Kaya nitong bayaran ang bills nyo kahit hospital bills pa. Sa bawat pagkakamali, dapat may nag iimprove sa Portfolio nyo. Sabayan nyo rin ng dasal, wag lang kayo umasa sa sarili nyong kakayahan. Wag rin kayo basta mag apply ng di kayo handa. Mas tatagal lang panahon na papasa kayo, paghandaan nyo yung CV, Portfolio, at Intro Videos. Bawat pagkakamali baguhin nyo kasi ganoon ginawa ko. At kapag binigyan na kayo ni Lord ng client, gawin nyo lahat para matulungan lumago negosyo nila at ipagdasal nyo palagi ang negosyo at kalusugan nila, dahil their win is your win na rin.
Yun lang po
Kaya nyo yan! Laban lang
Happy Father's Day ulet to all the dads out there.
Sincerely,
VA Cathy B
FBM US Technology Director
Course Master, Pivocher Academy of Remote Workers