09/09/2025
Ang tunay na tagumpay ay hindi para sa pinakamagaling. Hindi ito laging para sa pinakamatalino, o sa pinaka-experienced.
Ang tunay na tagumpay ay para sa mga hindi sumusuko. Yung kahit ilang beses madapa, tumatayo ulit. Yung kahit ilang beses masaktan, mabigo, lumalaban pa rin.
Because success doesn’t always come to the strongest... but to the most consistent.
To those who keep going, even when it’s hard.
To those who keep believing, even when nothing is happening… yet.
Wala naman talagang sikreto para magtagumpay sa buhay.
Walang shortcut. Walang instant.
Pero kung may isang bagay na sigurado, ito ‘yon:
Kapag hindi ka sumuko, makukuha mo rin ang gusto mo.
Sobrang basic.
Lahat ng kilala mong successful?
Hindi ‘yan magic-magic lang. Walang fairy godmother.
Walang wand na iwinagayway para lang biglang yumaman, maging stable, o makamit ang pangarap.
Iisa lang ang ginawa nila,
Hindi nila sinukuan yung gusto nila.
Kahit mahirap. Kahit minsan mabagal ang progress.
Kahit hindi perfect ang journey, tuloy pa rin.
So kung feeling mo ang tagal mo nang naghihintay,
kung pakiramdam mo naiiwan ka na,
o kung minsan gusto mo nang sumuko…
Please, huwag mona ngayon.
Andiyan ka na eh. Ang layo na ng narating mo.
Ituloy mo na. Itodo mo na.
Isipin mo,
Si Colonel Sanders, kung sumuko siya sa 999 na beses na tinanggihan siya, wala sanang KFC ngayon.
Ganon din tayo.
Yung breakthrough mo?
Baka nasa susunod na try mo na.
“Let us not grow weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.”
— Galatians 6:9 (NIV)
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/