22/04/2023
P85-HALAGANG ULAM NILAIT NG KAPITBAHAY, GINANG PUMALAG
"So what kung halagang 85 pesos lang inuulam namin sa tanghalian? Mamatay ba siya nun?"
Ito ang banat ng isang ginang sa kanyang kapitbahay na minaliit ang halaga ng inilaan niya para sa tanghalian nila ng kanyang mga anak.
Sa Facebook, nag-rant si Ara Ara Mi dahil aniya ay wala namang ambag sa kanilang buhay ang nasabing kapitbahay pero nakukuha pa nitong mamuna.
“Medyo na-offend ako dito sa kapitbahay namin," kwento niya.
Ani Ara Ara Mi, inutusan niya ang anak na bumili ng manok at gulay para sa kanyang lulutuing tinola sa tanghalian.
"Tapos tinapon ko sa labas tong papel na inutos ko sa anak ko na medyo malapit sa pintuan namin. Tapos tong ekseheradang kapitbahay namin pinulot sinabi ba naman, 'Sakto na sa inyo yan mag-ina?' Hindi ko na lang sinagot at nag smile na lang ako," dagdag niya.
Pero ang totoo, dagdag ni Ara Ara Mi, kumulo ang dugo niya sa hanash ng kapitbahay na nag-marites.
"Nakakabadtrip lang kasi. So what kung halagang 85 pesos lang inuulam namin sa tanghalian, mamatay ba siya nun? Eh yung sukli naman pang softdrinks din namin," paliwanag niya.
Ayon pa sa ginang, sapat na ang kanyang pinabili dahil "hindi naman namin kailangan ng marami dahil ayoko ng inuulit ulam nakakainin namin sa gabi."
"Not to brag dahil kung ano mayroon at nailuluto ko thankful na ako dun para samin mag-iina!” hirit pa niya.
📷: Ara Ara Mi/Facebook