22/07/2025
Sa mga ganitong panahon, mas lalo mong marerealize kung gaano ka ka-blessed — lalo na kung nakatira ka sa condo o sa bahay na hindi binabaha.
Habang maraming tao ang apektado ng bagyo, hindi talaga maiiwasan ang ganitong kalamidad — isa itong act of God. Pero sa gitna ng lahat ng ito, may mga leksyon tayong dapat pagnilayan:
Una, ang pagbaha ay hindi na bago at hindi rin maiiwasan. Kung sa mga bansang tulad ng U.S., China at advance na city like Dubai ay nangyayari ito, sa atin pa kaya? Hindi lahat ng sisi ay dapat ibunton sa gobyerno — may mga bagay talagang wala tayong kontrol.
Ikalawa, iba talaga ang nagagawa kapag may ipon o pera ka. May options ka — puwede mong ilayo ang sarili at pamilya mo sa kapahamakan. Kayang-kaya mong mag-decide para sa mas komportableng sitwasyon.
Ikatlo, maaaring ito na ang senyales na panahon nang umalis sa kasalukuyang estado ng pamumuhay. Gawin mong motivation ang bawat baha na pumapasok sa bahay niyo. Nakakapagod na — kaya bakit hindi ka na lang lumipat sa mas maayos, ligtas, at maaliwalas na tahanan? Isama mo pa ang hirap ng paglusong sa baha, pagkaka-stranded, o ang kawalan ng sariling sasakyan.
Ikaapat, totoo — hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Maaaring hindi natin Siya makita, pero ramdam natin ang kilos Niya sa mga taong tumutulong, sa biyayang dumarating, at sa pag-asang nananatili sa puso natin.
Ikalima, sa kabila ng lahat, napakarami pa ring dahilan para magpasalamat. Masama man ang panahon, alalahanin nating mas mainam pa rin ang ating sitwasyon kumpara sa iba.
Kaya habang may panahon, gamitin natin ang mga ganitong pangyayari bilang aral, inspirasyon, at gabay para mas pagbutihin pa ang buhay.