16/08/2025
Totoo ba to? Habang ang Pinas nag hihirap.
MATAPOS LUMAKI ANG BUDGET NG DPWH, YAMAN NG ILANG KONGRESISTA LUMOBO RIN!
Kasabay ng paglaki ng budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 2022, lumobo rin ang yaman ng ilang kongresista kabilang ang tinaguriang “The Big 6” ng 19th Congress.
Mula 2022 hanggang 2025, lumaki nang mahigit 28 porsyento ang budget ng DPWH mula PHP 786.6 bilyon patungong PHP 1.007 trilyon. Habang ang flood control budget naman ng ahensya, lumaki nang mahigit 100 porsyento mula PHP 128 bilyon patungong PHP 257.06 bilyon sa parehong mga taon.
Pero hindi lang ito ang lumobo, dahil habang lumalaki ang ginagastos ng pamahalaan para sa mga programang imprastraktura ng DPWH, lumobo rin nang mahigit 1,000 porsyento ang yaman ng tinaguriang “The Big 6” ng Kongreso na siyang responsable sa pagpapasa ng kontrobersiyal na 2025 national budget noong 19th Congress.
Sila rin ang itinuturong nasa likod ng korupsyon sa mahigit PHP 800 bilyong flood control budget ng pamahalaan.
Makikita sa ibaba ang paglaki ng kanilang yaman sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) mula 2022 hanggang 2025:
1. HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ
2025 NET WORTH: PHP 3.465 billion mula PHP 315 million noong 2022 (1,000% increase)
2. FORMER HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE CHAIRMAN & AKO BICOL PARTY-LIST REP. ZALDY CO
2025 NET WORTH: PHP 1.51 billion mula PHP 236.7 million noong 2022 (637% increase)
3. SENIOR DEPUTY SPEAKER & QUEZON 2ND DISTRICT REP. DAVID “JAY-JAY” SUAREZ
2025 NET WORTH: PHP 2.34 billion mula PHP 287.6 million noong 2022 (813% increase)
4. FORMER SENIOR DEPUTY SPEAKER AURELIO “DONG” GONZALES JR.
2025 NET WORTH: PHP 1.3 billion mula PHP 136 million noong 2022 (956% increase)
5. FORMER MAJORITY LEADER MANNIX DALIPE
2025 NET WORTH: PHP 1.49 billion mula PHP 203.7 million noong 2022 (733% increase)
6. CONSTRUCTION TYCOON & CWS PARTY-LIST REP. EDWIN GARDIOLA
2025 NET WORTH: PHP 2.2 billion mula PHP 299 million noong 2022 (735% increase)