11/09/2025
Sideline sideline talaga dapat pero may mga times talaga na dadaan ka sa hirap eh pero gawin nyo yang stepping stones. Ang importante wala kayong inaagrabyado at ninanakaw sa ibang tao. 😊
“SKYFLAKES LANG ANG PAGKAIN KO ARAW-ARAW”
Minsan mapapatanong ka talaga, bakit ganito ang mundo?
Last week, nag-chat si Mama. Ang sabi niya, dalawang daan lang daw ang maipapadala nila ngayong linggo. Kailangan kong pagkasyahin yun para sa loob ng pitong araw. Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa kasi humingi siya ng tawad, sabi niya yun lang kinita ni Papa sa pangingisda dahil masama ang panahon. Ramdam ko rin yung pagkalungkot niya kasi wala siya choice.
Ako naman, college student na irregular, halos buong araw nasa klase. Bumili ako ng SkyFlakes. Hinati-hati ko ang isang pack, isang piraso sa umaga, isa sa tanghali, isa bago matulog. Para lang may laman ang tiyan. Tubig na lang ang pahabol ko para malagpasan ang gutom. Ilang araw ko rin tinagalan ng ganun.
Pagdating ng Sabado, wala pa ring padala…
[Read the full confession in the comment section below… 👇🏻 ]