
17/02/2025
Kapag nag-away o nagkatampuhan kayo ng partner o asawa mo, wag na wag mo syang ipahiya sa social media, sapagkat lilipas din yan at magkakaayos din kayo.
Paano mo babawi ang mga masasakit na salita at kahihiyan na ibinato mo na sa kanya? Magiging kahiya-hiya na lamang kayo sa mata ng mga tao. Hindi lang sya ang pinahiya mo pati na rin ang buong pamilya mo, ikaw at mga anak nyo.
Kaya mas mainam na ilagay nalang sa pribado ang anumang bagay na di dapat malaman o pagfiestahan ng publiko. Huwag ibahagi sa social media ang away mag-asawa sapagkat kayo mismo ang maglalagay ng kahihiyan sa relasyon ninyo.
Tandaan nyo lagi na, "ang baha ay humuhupa din, sisikat ang araw at babalik rin ang lahat sa dati."
Gaya ng magandang pagsasama, irespeto mo ang dangal at moral ng partner o asawa mo upang maging mas matatag ang relasyon ninyo. Walang perpektong mag-asawa o pamilya, ngunit ang pamilyang nananatiling buo at nagtatagumpay sa problema ay maituturing na kahanga-hanga." β€οΈπ―