28/08/2026
China Muling Nagbanta: “Dapat Nang Itow Pabalik ng Pinas ang BRP Sierra Madre ASAP” 🇵🇭🇨🇳
Muling uminit ang tensyon sa West Philippine Sea matapos na naman gipitin ng Beijing ang Maynila na baklasin at alisin ang ating permanenteng simbolo ng soberanya sa Ayungin Shoal.
Noong August 27, 2026, tahasang hinimok ni Senior Colonel Zhang Xiaogang, spokesperson ng Chinese Ministry of National Defense, ang pamahalaan ng Pilipinas na hilahin na pabalik ang BRP Sierra Madre (LT-57) mula sa Second Thomas Shoal.
Sa isang official statement, sinabi ni Zhang:
"The Philippine side should tow away BRP Sierra Madre (LT-57), which is illegally 'grounded' at China's Ren'ai Jiao, and stop all provocative acts."
Ayon sa spokesperson, ang Ayungin Shoal (na tinatawag ng Beijing na Ren’ai Jiao) ay bahagi raw ng kanilang territoryo sa Nansha Qundao. Kahit inamin ni Zhang na mayroong "provisional arrangement" ang dalawang bansa para sa pagpapadala ng basic necessities para sa mga sundalong Pilipino sa barko, nagbitaw pa rin ito ng matinding warning laban sa pagpapasok ng construction materials.
Aniya, anumang attempt na magdala ng materials para magtayo ng permanent facility o mag-reinforce ng outpost ay will absolutely not be accepted at harang-harangin daw ng China in accordance with laws and regulations.
Idinagdag pa ng official na nananatili daw silang committed sa pagprotekta ng kanilang sariling territorial sovereignty at sa pagpapanatili ng peace and stability sa South China Sea.
Lumabas ang matapang na statement na ito ng Beijing matapos matagumpay na makatanggap ang BRP Sierra Madre ng panibagong batch ng supplies at fresh troops—isang mahalagang resupply mission na naisakatuparan matapos ang halos 50 days na pagka-delay at kakulangan sa probisyon dahil sa panghaharang ng China Coast Guard at Maritime Militia. Hinala ng mga officials ng Tsina, ginagamit lang daw ng Maynila ang resupply missions bilang cover-up para magpuslit ng mga gamit pampatibay ng lumang barko.
Sa kabila ng mga banta at pressure mula sa China, nananatiling solid at matatag ang stand ng Pilipinas sa ating maritime territory:
Ang Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) ay isang low-tide elevation na malinaw na nasa loob ng 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Pinagtibay na ito ng historic 2016 Arbitral Award sa The Hague, kung saan pinalagan at ibinasura ang claim ng Tsina.
Ang BRP Sierra Madre—isang World War II-era LST na sadyang isinadsad noong 1999—ay nananatiling isang active, commissioned ship ng Philippine Navy.
Paulit-ulit nang pinalagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at DFA ang mga demand ng Beijing. Ang malinaw na mensahe ng Pinas: Hindi kailanman aalisin ang Sierra Madre at tuloy-tuloy nitong poprotektahan ang ating pambansang teritoryo at dignidad.
Source: Philippines Defense Enthusiasts