17/07/2025
Ang baba pala ng standards ko sa lalake...
I had an ex and we lived in one roof for two years. Looking back, naisip ko lang. Ang baba pala ng standards ko talaga sa lalake. And im glad nakipaghiwalay na ako.
Kanina, dumating ako sa bahay. yung parents ko, nagmamadali na ipaghanda ako ng pagkain. Asi sabi ko ko gutom na ako. Samantalang nung nakipag live in ako, magagalit pa sakin yung ex ko kasi kadarating ko ng bahay, gusto ko muna humiga sa sofa ng konti, pero sasabihan ako na tamad kasi hindi pa ako nakapagluto ng pagkain namin. May times din noon na pababain ako ng ex ko para iguide sya paano magpark ng sasakyan nya, samantalang kanina yung papa ko, siya na ang nagpark ng sasakyan ko para di ako mahirapan.
Yung mga bagay na kaya kong gawin, sabi ng ex ko,dapat ako na gumawa pero ang papa at mama ko, sila lahat ang gumagawa para sakin. Sa mata nila, baby pa rin nila ako kahit ang tanda ko na.
Naisip ko lang, ngayon, humiga ako sa k**a ko. Bagong palit yung bedsheet. Samantalang noon, ako pa ang need magpalit ng bedsheet kasi tinatamag yung ex ko magpalit.
ok na lang talaga maging single. I promised myself, kahit umabot ako ng 60, kung di kaya pantayan ng lalakeng makakasama ko kung paano ako alagaan ng parents ko, probably, wag na lang makipagrelasyon or asawa.