05/04/2024
7 Bitag/Bulong ni satanas para masira ang buhay at pamilya mo.
1. Bubulungan ang isip niyo na gagawa ng maling desisyon
at nakakasirang bisyo gaya ng droga, sobrang alak, pananakit, sugal, pahtataksil, pangangalunya at iba pa..na unti-unting sisira
sa buhay at pamilya mo.
2. Bubulungan ka palagi ng galit, paninisi, sakit, pananakit, pag-ganti, hindi pagpapatawad, pagdadamot, duda, selos, reklamo, kabalisahan, pag-aalala at kawalan ng pag-asa na siyang magnanakaw ng kapayapaan mo.
3. Hihilahin niya palayo ang isip at damdamin mo sa pagdarasal at paglapit sa Dios na Siyang tanging taga-pagligtas niyong mag-asawa sa anumang problema.
4. Gawain ni satanas na lamigin ang pag-iibigan ninyong mag-asawa na siyang sisira sa inyong pagmamahalan/relasyon at buong pamilya.
5. Bubulungan kang hindi makinig sa hinanaing ng iyong partner at hayaan siyang magdusa. Bubulungan ka na mali silang lahat at ikaw lang ang laging tama kahit na may kamalian ka rin.
6. Bubulungan kang hindi i-appreciate ang efforts ng partner mo at magfocus lagi sa kulang at kamalian niya, instead na tulungan siyang bumangon sa buhay. Bubulungan ka na ikaw lang dapat ang laging intidihin sa lahat ng bagay at hindi sila.
7. Bubulungan kang hindi irespeto at hiyain ang partner mo sa harap ng mga tao o sa social media man.
Babaliwalain ang nararamdaman niya na hindi siya importante. Bubulungan ka ring hindi ka importante, kawawa ka at wala kang silbi at pag-asa sa buhay.
Mapagmatyag! Lahat ng ito ay HINDI galing sa Panginoong Dios! Ang paraan ng Dios ay may kaayusan, pagmamahal at pagkaka-intindihan.
Ito'y mga bitag ni satanas sa inyong mga isip! Makiramdam, dahil baka nabitag na pala kayo ng hindi niyo namalayan.
Kung nangyayari ito sa inyo, lumaban kayo para sa buhay at pamilya niyo. Lumapit at kumapit ng mahigpit sa pagmamahal ng Panginoong Hesus. Humingi sa Kanya ng tulong palagi.
Marami ng pamilya ang nasira dahil bumigay sa bitag ni satanas. Huwag hayaan na ang pamilya nyo naman ang susunod niyang sisirain.
Mag-asawa, maging matatag at malakas kayo sa pag-ibig ng Panginoon dahil Siya lang ang tanging tulong ninyo, hindi ang mga sarili ninyo.
Sa huli, ang Panginoong Hesus
pa rin ang Makapangyarihan
Sa lahat.
Naway hilumin ng Panginoon ang mga sugat ng inyong puso at mamuhay kayo sa kanyang pag-ibig.
May God bless & protect your families. 🙏🙏🙏❤️❤️❤️😇😇😇