11/03/2026
Huwag gumastos ng perang hindi mo pa kinikita, para bumili ng mga bagay na hindi mo naman kailangan, upang pahangain ang mga taong hindi mo naman gusto.
Sa ating lipunan, madalas nating ipagpalit ang ating kinabukasan para lamang sa pansamantalang pagkilala ng iba. Tinatawag itong Status Anxiety—ang labis na paghahangad na magmukhang matagumpay kahit ang katotohanan ay baon na sa pagkakautang
Tandaan-Ang tunay na kayamanan ay hindi kailangang ipagsigawan. Ang tunay na 'flex' ay ang iyong kapayapaan sa pananalapi, hindi ang iyong mamahaling kagamitan.
Gumising ka sa katotohanan bago tuluyang maubos ang iyong sarili.
Baguhin ang mindset, bago ang bulsa