25/08/2026
Bukas ang Palasyo sa posibilidad na ipagbawal ang Meta o iba pang social media platforms kung mapatutunayang nakapipinsala ang mga ito sa mga kabataan at sa bansa.
Kasunod ito ng umano’y mabagal na pagtugon ng Meta sa kahilingan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na alisin ang isang video na nagpapakita ng karahasan sa loob ng isang paaralan.