Isaub Aborlan Group & News

Isaub Aborlan Group & News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Isaub Aborlan Group & News, Media/News Company, Manila.

20/10/2023

Isaubeño, Boboses Tayo!!!

Sino sa apat na kandidato para sa posisyong Brgy. Kapitan ng Isaub Aborlan ang dapat!!!

A. Isang kapamilya, kamag anak ng kasalukuyang Kapitan.
Bago sa pulitika ng Isaub, pero ano nga ba ang nagawa nya sa panahong wala pa sya sa posisyon o ano ang magagawa nya kung sya ang susunod na magiging Kapitan, parehas kaya sila ng magiging plataporma o pulitical strategy o performance ng kasalukung Kapitan?
Ano ba ang kasalukuyang estado ng ating Brgy. simula 2019? Ramdam ba ang pag unlad?

B. 1st Kagawad, noong unang sumabak sa pulitika, kilala bilang Doctor ng mga hayop, Veterinarian kung tawagin, lisensyado po ba? with PRC license po ba?
nagtatanong lang po☺️
Lisensyado g**o ang kanyang maybahay, kaya malaki din maitutulong at paggabay sa kanya kung papalarin na magiging Kapitan.
Matagal na serbisyo, pero ano ba ang mga nagawang serbisyo?
Ilan ang resolution na nagawa para sa Brgy? Isa? Dalawa? Tatlo?

C. Kasalukuyang 1st Kagawad ngayon, itanong din natin, ano ang resolution na nagawa nya para sa atin na taga Isaubeño?
Isa? Dalawa? Tatlo?
Mas kilala na makamasa, dahil malapit sa bawat Isaubeño, lalo na sa mga katutubong Tagbanua ng ating Brgy. at majority sa Sitio Linao, ang tahanan ng mga katutubong Tagbanua.
Personal na nakakausap ang hinaing ng bawat IsaubCitizens.

D. Dating Kapitan, ngayon ay muling sasabak sa pulitika, simple lang, balikan natin yung panahong nakaupo pa sya bilang Kapitan.
Ano ang mga programa na nagawa nya?
Health, Education, Agriculture, Environment, etc...
Pero ang alam ko, natatandaan ko!
Mas masaya dati, Foundation & Fiesta
Dinarayo tayo mula sa iba't ibang Brgy. at tayo lang naman ang may pinaka mahabang araw mag celebrate, 2 months, gravy!!! at mas lalo tayong nakilala bilang ""The Gateway of Southern Palawan""
Galing kang PPC, kapag nakarating ka na sa Isaub, ""Ahy, nasa Aborlan na tayo""

Wala pang kampanya, pero nakilala na natin sila, matalino ang mga taga Isaub, syempri yan TAYO!!!

Never again, tulad ng dati
Never talaga magpapadala sa 500, 1K???
Sa tingin mo, yan lang ang halaga ng sagradong boto namin?
Sabi nga ng nagkwe- kwentuhan dyan sa palengke, narinig ko habang nag uusap sila
""Kapag nagbigay, tatanggapin syempri, binigay ehhh, but doesn't mean, iboboto ko sya""
May pa english yarnnn😅

Ihalal and DAPAT!!! Mga Kapatid, Kapamilya, Ka Brgy. Ka Tribu at Ka Isaubeño.

Isulong ang Progresibo at maunlad na BARANGAY ISAUB

Ikaw, sino ang i boboses mo ngayong Halalan?

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Isaub Aborlan Group & News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share