21/09/2023
LOW AIR QUALITY ADVISORY❗
Nagbigay babala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mataas na antas ng sulfur dioxide na inilalabas ng Bulkang Taal na nagdudulot ng volcanic smog o vog sa mga lugar na nakapaligid dito at umabot na rin dito sa Kalakhang Maynila. Kasunod yan ng naobserbahang mababang visibility sa National Capital Region (NCR). Sa kasalukuyan ay atin pa ring kinukuha ang mga importanteng datos upang makapag bigay sa inyo ng tamang impormasyon.
Ayon sa huling abiso na inilabas ng PHIVOLCS kaninang 5:30 ng hapon, naiulat na aabot sa 4,569 tonelada ng sulfur oxide ang ibinuga ng Bulkang Taal ngayong araw.
Ito ay maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.
Dahil dito maigting na pinapaalalahanan ang lahat na mas mabuting mamalagi muna sa loob ng bahay at magsuot ng face mask.
MGA DAPAT GAWIN:
1. Limitahan ang iyong paglabas ng bahay.
2. Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng facemask.
3. Isara ang mga bintana at pinto ng bahay.
4. Uminom ng maraming tubig.
5. Komusulta agad sa pinakamalapit na ospital kung makakaramdam ng hirap ng paghinga at iba pang epekto dulot ng smog.