
05/09/2025
" Tipid Tips Para Makaipon"
🌅 Umaga
• Gumising ng maaga para di ma-late (iwas taxi/extra pamasahe).
• Kape o almusal sa bahay kaysa bili sa labas.
• Magdala ng baon na tubig at meryenda (tumbler at tinapay/fruit) para iwas bili sa convenient store.
⸻
🏃♂️ Pagpasok / Paglabas
• Gumamit ng commute kung mas mura.
• Kung walking distance, maglakad para libre na, exercise pa.
⸻
🏢 Sa Trabaho / School
• Baon na ulam at kanin kaysa araw-araw sa karinderya.
• Kung may libreng wifi/charging station, gamitin — para tipid sa data at kuryente sa bahay.
• Iwasin ang online shopping habang break time 😅.
⸻
🌆 Hapon / Gabi
• Umuwi ng maaga para iwas gimmick gastos.
• Kung magluluto, gawing sulit — gaya ng adobo o sinigang na pwede pang-ulam kinabukasan.
• Manood ng libreng videos/movies online kaysa mag-subscribe agad.
⸻
🛏️ Bago Matulog
• Maglista ng gastos sa isang maliit na notebook.
• Mag-set ng “no spend challenge” para sa susunod na araw (halimbawa: walang bili ng softdrinks o kape sa labas).
⸻
👉 Ang mindset ng isang kuripot na matalino:
“Kung kaya kong gawin sa bahay o libre, bakit ako gagastos?”