27/09/2025
Grabe andami pa din talagang creature ang hindi pa nadidiscover. Imagine mas malaki ang percentage ng tubig sa lupa so I wonder ano pa yung mga nasa ilalim pa talaga. Ang amazing pa kasi yung mga creature na to kayang kaya yung pressure ng tubig sa pinaka baba.
Ayon kay google, ang dami pa ring unknown kasi halos 80% ng dagat hindi pa natatala ng mga siyentipiko. At yung mga creature sa pinaka-ilalim, kayang-kaya nila yung extreme conditions: super lamig, sobrang dilim, at grabe yung water pressure na kaya nang pumisa ng submarine kung tao lang.
Mga Halimbawa ng Deep-Sea Creatures
• Anglerfish – May ilaw sa ulo (bioluminescence) na parang flashlight para mang-akit ng prey.
• Gulper Eel – Grabe ang laki ng bibig, kaya niyang lunukin kahit mas malaki pa sa kanya.
• Dumbo Octopus – Maliliit na parang tenga ng elepante ang fins, kaya cute kahit nasa sobrang lalim.
• Giant Squid – Mahaba sobra, parang mga kwento ng sea monster, pero totoo silang nabubuhay sa deep ocean.
• Vampire Squid – Hindi naman siya vampire pero parang cloak ang itsura ng katawan niya.
• Tripod Fish – May “legs” na ginagamit para tumayo sa seafloor habang naghihintay ng pagkain.
Bakit Nakaka-amaze?
• Bioluminescence – Yung sariling “ilaw” na ginagamit nila para mang-akit ng mate, manghuli ng pagkain, o para magtago sa predators.
• Extreme Adaptations – May iba na gelatinous ang katawan para hindi madurog sa pressure.
• Survival Tactics – Dahil walang araw, nakadepende sila sa mga nahuhulog na debris galing sa ibabaw o kaya naman kumakain sila ng isa’t isa.
Kung iisipin mo, parang alien world sa ilalim ng dagat — kaya nga sinasabi ng ibang scientists na mas marami pa tayong alam tungkol sa space kaysa sa deep sea. 🚀🌊
I wonder ano pa yung mga nasa ilalim.