28/05/2026
Kung sa simpleng kaso lang ng gitgitan ay kaagad uminit ang ulo ng isang opisyal ng barangay, paano pa kaya sa mga malalaking isyu sa barangay?
Ito ngayon ang katanungan sa isang konsehal ng barangay sa Biñan City, Laguna na inireklamo sa isang kaso ng road rage noong May 26.
Sa ulat ng Biñan City Police Station, personal na nagsadya ang biktima na kinilalang si alyas "Roy," 40 anyos at residente ng Barangay Santo Tomas, upang iulat ang nasabing insidente.
Ayon sa biktima, binabaybay niya ang kahabaan ng Santo Tomas Road bandang alas-otso ng gabi nang makagitgitan niya ang isa pang motorsiklo na minamaneho naman ng isang alyas "Restituto," 77 anyos, isang barangay councilor at residente ng naturang barangay.
Nagkaroon umano ng matinding alitan ang dalawa hanggang sa bigla na lamang bumunot ng isang 9-mm na baril si "Restituto" at pinalo ang biktima sa ulo.
Kaagad dinala sa ospital si "Roy," habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na posibleng maharap sa kasong physical injuries at paglabag sa Republic Act No. 10591 (illegal possession of fi****ms).
(OpinYon News Team/Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)