20/10/2025
๐๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ฅ๐ฌ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ญ ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ซ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐๐
ni: ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na dinaos ang Table Tennis District Meet 2025 noong Oktubre 18, sa Mariano Marcos Memorial High School Ocampo Building Auditorium kung saan nag tagisan ang mga manlalaro mula sa Elpidio Quirino High School (EQHS), Mariano Marcos Memorial High School (MMMHS), Eulogio Amang Rodriguez Vocational High School (ERVHS), at Victorino Mapa High School (VMHS).
โPag wala kayong disiplina, parang wala din ang inyong skillsโ paalala ni Ms. Mary Anne C. Villanueva, Head Teacher ng MAPEH at Event Chairman ng Table Tennis, bilang inspirasyon sa mga atleta.
Sinumulan ng Bracket A ang labanan, nagpakita ng tapang si Querijero ng EQHS ngunit nanaig si Carsola ng VMHS sa iskor na 4-11, 5-11, 8-11.
Matindi naman ang laban sa Bracket B kung saan pinatunayan ni Mico Bamba ng EQHS ang kanyang husay matapos talunin si Secillano ng MMMHS sa iskor na 11-5, 11-0, 11-5.
Sa Bracket C, hindi pinalad si Tabucanon ng EQHS laban kay Calderon ng ERVHS (3-11, 2-11, 8-11), habang sa Bracket D, tinalo ni Azarcon ng VMAPA si Escolano ng EQHS (5-11, 3-11, 3-11).
Sa Girls Division, muling namayagpag ang mga manlalaro ng EQHS.
Sa Bracket B, pinatumba ni Sadiwa ng EQHS si Alconaba ng MMMHS sa iskor na 11-3, 11-2, 11-0.
Mainit naman ang labanan sa Bracket C sa pagitan nina Leopardas (EQHS) at Peralta (ERVHS), nagtapos sa 11-7, 11-7, 11-13 โ dikitan hanggang dulo.
Sa Bracket D, matagumpay na tinalo ni Roco ng EQHS si Almonte ng MMMHS sa 11-5, 11-9, 11-2.
Sa finals, hindi nagpahuli si Palomillo ng EQHS matapos talunin si Gonzales ng ERVHS sa dominanteng iskor na 11-0, 11-3, 11-4.
Samantala, pinangunahan ni Saliwa ng EQHS ang panalo kontra kay Monteclaro ng VMAPA (11-5, 11-5, 11-8), habang si Bamba ay muling nagpasiklab laban kay Diwata ng VMAPA (11-2, 11-6, 11-2).
Mga Kampeon Bawat Bracket
Girls Division
Bracket A โ Palomillo (EQHS)
Bracket B โ Sadiwa (EQHS)
Bracket C โ Leopardas (EQHS)
1st Place Bracket D โ Roco (EQHS)
Boys Division:
Bracket B โ Bamba (EQHS)
Sa pangkalahatan na resulta , ang EQHS ang idineklarang overall champion sa Girls Category na sinabayan naman ng ikalawang pwesto ng Kategoryang Boys.
Muling lalaban ang mga Kampeon ng EQHS sa darating na Palarong Maynila na gaganapin sa Nobyembre 3-7, 2025.