02/04/2026
“Kailangan mo ng malaking capital para magsimula ng Airbnb arbitrage.”
Yan din yung akala ko dati kaya ang ginawa ko puro ipon, puro plano, hinihintay ko yung “tamang time” hanggang sa napagod na lang ako kakahintay. Dumating ako sa point na sabi ko, kahit hindi pa perfect, susubukan ko na.
Yung first arbitrage property ko, ₱25,000 lang yung monthly rent. Naglabas ako ng advance, deposit, konting basic setup, hindi siya maganda, hindi siya fully furnished, at to be honest, kabado talaga ako kung may magbu-book ba. Pero pinush ko pa rin.
Nung may pumasok na first bookings, dun ko na-realize na kaya pala. Hindi kailangan sobrang laki agad ng puhunan, kailangan mo lang talaga magsimula. Yung kinita ko dun, hindi ko ginastos, iniikot ko lang. Ginamit ko pangkuha ng pangalawang property, tapos pangatlo, hanggang sa tuloy-tuloy na
Hanggang sa dumating ako sa point na hindi ko na kailangan lagi maglabas ng sariling pera. May mga property owners na mismo yung lumalapit, sila yung may property, ako naman yung may system, experience, at results, tapos profit sharing na lang kami
Dun ko na-realize na mali pala ako dati. Hindi pera yung pinaka malaking capital sa simula, experience, sistema, at credibility yung tunay na puhunan mo. Hindi siya mabilis, hindi rin siya madali, pero once na nag start ka, dun na talaga magbabago lahat.