15/09/2025
𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨 𝐢𝐧𝐮𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝟓 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐧𝐝𝐨𝐥 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰, 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Niyanig ng limang magkakasunod na lindol ang lalawigan ng Mindoro ngayong madaling araw, Setyembre 15, 2025, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Unang naitala ang pagyanig bandang alas-2:57 ng umaga na may lakas na magnitude 4.7, sinundan ito ng isa pang magnitude 2.6 bandang 3:02, magnitude 1.8 dakong alas-3:07 ng umaga, magnitude 1.6 bandang 3:21 AM at magnitude 1.5 pasado 4:46. AM Ang sentro ng mga lindol ay natukoy sa sa may gitnang bahagi ng Oriental Mindoro.
Ramdam ang pag-uga sa mga bayan ng Pinamalayan, Puerto Galera, Abra de Ilog, maging sa ilang kalapit na probinsya. Sa ngayon ay wala pang naiulat na nasugatan o nasirang ari-arian, ngunit patuloy na nag-iinspeksiyon ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Nagpaalala naman ang Phivolcs na normal ang pagkakaroon ng mga aftershocks matapos ang serye ng lindol. Pinayuhan ang mga residente na manatiling alerto, tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan, at sundin ang mga paalala ng lokal na pamahalaan.
Sa kabila ng serye ng pagyanig, walang nakataas na tsunami warning at patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang sitwasyon.
Source: PHIVOLCS