30/11/2025
Ito yung a*ong gabi-gabing pumupunta sa isang tapsilogan para umasa sa mga tira-tirang pagkain ng mga tao.
Nag-dinner kami kanina sa isang tapsilogan sa Koronadal City. Habang kumakain, napansin namin ang isang a*o na tahimik lang na nakatayo sa may pinto, para bang naghihintay na may mag-abot ng kahit kaunting pagkain. Sabi ng mga staff, mahigit isang oras na raw siyang nandun, naghihintay, pero halos walang natira mula sa mga plato ng customers.
Naawa kami sa kanya. Kaya nag-order kami ng pagkain—may extra rice pa—para lang may mailaman siya sa gabi. Ayon sa mga staff, gabi-gabi raw siyang pumupunta doon. Napaisip tuloy kami… may nagbibigay kaya sa kanya ng pagkain sa ibang araw? Paano kaya sa mga araw na sarado ang tapsilogan?
Naalala ko si Totskie—ganoon din siya noon, palaging nakaabang sa labas ng mga kainan bago namin i-rescue.
Kung may taong may mabuting puso na handang mag-adopt sa a*o, handa kaming siya’y i-rescue at ibyahe sa ligtas na lugar. Pero sa ngayon, isang meal muna na may extra rice ang kaya naming ibigay.
Iniwan namin siyang busog, at sa puso namin, ipinagdarasal namin na sana sa mga susunod na araw… hindi siya magutom, hindi mabasa ng ulan, at sana may makakita sa kanya na handang magmahal at magbigay ng tahanan.
CREDITS
📷 Pet Avenu