12/09/2025
“Iba kasi iyong mahal ka sa may ginagawa at mga plano dahil mahal ka”
“Hindi kasi sapat na mahal mo lang ang isang tao.
Dapat may ginagawa ka, dahil mahal mo siya.”
- There's a deeper version of this story that only a few will understand. Emotional intelligence is very important in a relationship. Love is not enough. There are more things to consider to strengthen the relationship.
“Ang ganda-ganda naman ni Lars. Talagang hanggang ngayon, mahal ka pa rin nung lalaki. Sana all. Yung iba nga nanggugulpe pa. ‘Yan ang pinapangarap naming lalaki. ” - Ogie diaz
“Pero Tito, ayaw ko na talaga. May pangarap din kasi ako. And more than that, may pangarap din ako para sa kanya.” - Lars
“ So bakit mo nasabi na kailangan na talagang matapos?” - Ogie diaz
“Kasi Tito, minsan, just because matagal na ang relationship, ang dami nang pinagsamahan, sobrang hirap na nating i-let go. Kahit alam naman natin na in the end, magiging toxic na lang.” - Lars
“Totoo, mahirap na kumalas kapag sanay ka na. Pero ikaw, ano ba talaga ang naramdaman mo?
” - Ogie diaz
“Ang bigat, Tito. Parang ako lang yung may pangarap, ako lang yung nagdadala ng responsibilidad. Gusto ko sana, sabay kaming umaangat, pero hindi ko naramdaman yun.” - Lars
“ So kaya mo nagawa yung pagkakamali, yung issue ng pangangaliwa?” - Ogie diaz
“Oo Tito. Inamin ko na, ako yung nag-cheat. Ginawa ko yun kasi alam ko, kahit anong gawin kong mali, hindi niya ako iiwan. Sobrang mahal niya ako. At yun lang yung nakita kong paraan para makaalis siya sa relasyon na hindi na healthy.
” - Lars
“Hindi ba masakit na ikaw pa ang lumabas na kontrabida?” - Ogie diaz
“Masakit, Tito. Pero kung yun ang paraan para hindi siya masaktan nang sobra, tatanggapin ko na ako yung masama. Ang importante, makalaya siya at makahanap ng sarili niyang landas.” - Lars
Sometimes letting go isn't about giving up, it's about choosing what's best for the one you love even if it breaks your heart. 💔
📸 : Ogie Diaz/ YouTube