Astraea Nyx Phoebe

Astraea Nyx Phoebe “Better to write for yourself and have no public, than to write for the public and have no write.”

𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗕𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀 𝗧𝗿𝘂𝗲 𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆/𝗡𝗕𝗧𝗕𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 -  #32 | Review.*JAYVER'S POV*Nandito kami sa Bar nang mga kaklase ko, nagkayayaan ...
30/11/2023

𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗕𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀 𝗧𝗿𝘂𝗲 𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆/𝗡𝗕𝗧𝗕

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 - #32 | Review.

*JAYVER'S POV*

Nandito kami sa Bar nang mga kaklase ko, nagkayayaan kase sila. ayaw ko sana sumama kaso mapilit sila kaya wala na akong nagawa.

“Hoyy! Jay!? bakit hindi ka umiinom? wag mong sabihin na hindi ka sanay? alam mo maglibang karin minsan, wag puro aral kaya ikaw ang top 1 eh.”anya ni Kurt.

“Hindi lang talaga ako sanay sa madaming tao, pero umiinom ako.”turan ko.

“Sige, Maiwan kana muna namin dito. doon lang kami sa dance floor, maghahanap ng Chix.”mapagmalaking turan ni Drake habang nakataas ang isang kilay nito.

Ako lang mag-isa ngayon sa table, medyo naiinip na ako. nang biglang may lumapit na babae sakin.

“Hii! wanna dance with me?”ipit boses nito habang inaakit ako.

“No thanks!”anya ko bago ito irapan.

Nang makaramdam ako ng tawag nang kalikasan ay agad akong naghanap na pwedeng pagtatanungan.

Napunta naman ako sa counter kung saan meron isang bartender.

“Kuya! nasaan yung Cr nang mga lalaki?”tanong ko rito.

“Doon po dire-diretso kalang tapos kaliwa nandun na po ang banyo Sir”saad nito.

Agad ko naman sinundan ang sinabi nya. nakarating na ako sa banyo.



Hindi na ako bumalik sa table namin dahil ako lang naman ang mag-isa, umupo nalang ako sa harap ng counter at nag-order nang maiinom.

“Kuya pahingi nga nang isang wine.”saad ko na agad naman nitong sinunod.

Nakakailang lagok palang ako nang makaramdam ako ng hilo, napayuko nalang ako sa kalasingan at nakatulog nang nakasukob.



Nagising na ako sa tapat ng pinto, naglalakad ng pagewang-gewang kaya inihatid nalang ako nila Drake at Kurt.

Habang papasok ako sa kwarto ko ay may nakabanggaan ako, napatingala naman ako kung sino ito at nakita ko naman ang dalawa nitong kilay na magkasalubong.

“Nananadya kaba? ilang beses mo na ako nabangga.”sarkastikong turan nito.

Hindi na ako nakaimik pa dahil sa kalasingan ko, pagewang-gewang pa ako maglakad habang papasok ako.

Nang makapasok ako sa kwarto ko. Agad kong ibinagsak ang katawan ko.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako nang init kaya hinubad ko ang pang-itaas ko.

Hanggang sa nilamon na ako ng antok.



*JULIA'S POV*

Paakyat na ako ngayon sa kwarto ko, dahil mag rereview pa ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay nagulat nalang ako nang may makita akong nakahiga doon, si Kuya ba to?

Hinila ko naman si Kuya para paalisin.

“Hmmmm..”mahabang halinghing nito, lasing siguro to.

Ipinaharap ko naman ito para paalisin, nagulat naman ako ng hindi si Kuya!? Bakit nandito sya sa kwarto ko? wala pa syang saplot pang itaas!

Kaagad naman akong napasigaw, pero nahinto naman ako ng mapabalikwas ito ng tayo at tinakpan ang bibig ko.

“Hmp! b-bitwan m-m ko!”turan ko habang tinatakpan nito ang bibig ko.

“Wag ka ngang maingay? tsaka anong ginagawa mo sa kwarto ko?”turan nito.

“Kwarto mo? kwarto ko to eh!? tsaka bakit ba wala kang damit?”taka kong tanong.

Inilibot naman nito ang paningin nya at kinukumpirma na kwarto nya ito.

“Hmmm...s-sorry!”nahihiyang turan nito at ngumiti. naglakad ito palabas ng kwarto ko ng gumegewang.

Agad ko naman sinara ang pinto ko, at inihanda ang mga irereview ko.

Habang nasa kalagitnaan ako nang pag rereview ay biglang bumukas ang pinto nang kwarto ko.

“Hmm..Julia? pahiram nang notes?”saad ni Jay.

Anyare dito? kanina lang ay inis na inis to sakin!? Nagkaroon pa sya nang lakas ng loob na mag hiram ng notes.

“Ginagamit ko, kung gusto mo samahan mo nalang ako.”anya ko

“Sandali lang kukunin ko lang ang ibang notes ko.”turan nito at lumabas ng kwarto ko.

Maya-maya lang ay dumating na ito na dala-dala ang mga notes nya.

“Tabihan mo na ako dito.”saad ko na ikinagulat ko, bat ba bigla-bigla nalang bumubukas ang bibig ko.

Wala namang itong sinabi agad lang itong tumabi sakin.

“Ahmm...meron kabang Biology notes?”tanong ko.

“Oo..”tipid nitong turan at iniabot ang notes.

“Thank you!”sambit ko at nag simulang mag review.

Habang nasa kalagitnaan kami nang pag rereview ay napansin kong inaantok na si Jay.

“Hoy! inaantok kana?”pagbasag ko sa katahimikan..

“Oumm..”anya nito.

“Wag ka muna matulog, ganito nalang mag tatanong ako sayo na nireview natin. tapos sasagutin mo bawal mag notes, ganun din ang gagawin mo sakin.”pagpapaliwanag ko.

“Sige.”tipid nitong turan at itinabi ang mga notes.



*JAYVER'S POV*

“Mali ka Julia, hindi ka kase nakikinig kay prof kanina.”saad ko pagkatapos sagutan ni Julia ang tanong ko.

“HAHAHAH, nakalimutan ko kase isa pa nga?”anya nito.

“Sige pag hindi mo nakuha ang tamang sagot, ililibre mo ako bukas nang kape.”turan ko

“Sige pero kapag nakuha ko ang tamang sagot ikaw ang manglilibre.”ani nito.

Nagsimula naman akong nagtanong sakanya, at nakuha nya ang tamang sagot kaya ako ang manglilibre sakanya.

“Sige na umalis kana, gusto ko nang matulog.”saad nito at pinagtutulakan ako.

Wala akong nagawa kundi lumabas, pansin ko sakanya na ang ganda nya rin. parang nawala tuloy kanina ang lasing ko nang makita ko sya.

Agad naman akong nagpunta nang kwarto ko at natulog.

———————————–––––––-----·

*KENDRA'S POV*

Napabalikwas nalang ako nang tayo nang marinig ang orasan ko agaran ko namang itong pinatay, at dumiretso ng banyo para maligo dahil late na ako.

Kasalukuyang nagbibihis na ako, pagkatapos kong mag bihis ay inayos ko na ang sarili ko at agad na bumaba sa kusina.

Cont-

📌:
:: Wrong spelling can disappear
:: Vulgar word can disappear
:: Bad words can be put a asterisk
:: Wrong grammar are a head

Note: kung sakaling may typo or maling words and grammar kindly correct me po.

Kindly! Support me, para sa susunod na chapter thank you!

30/11/2023

• Links of my Stories

:: Thread

✍️ - Astraea Nyx Phoebe.

Enjoy Reading!!😘🫶🏻

𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗕𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀 𝗧𝗿𝘂𝗲 𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆/𝗡𝗕𝗧𝗕𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 -  #31 | Who is Valerie?*GABRIEL'S POV*T-teka? V-valerie ang pangalan nya at 32 na ...
29/11/2023

𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗕𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀 𝗧𝗿𝘂𝗲 𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆/𝗡𝗕𝗧𝗕

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 - #31 | Who is Valerie?

*GABRIEL'S POV*

T-teka? V-valerie ang pangalan nya at 32 na sya, h-hindi kaya sya ang nawawala kong kapatid? baka naman hindi.

Papa told me, that lerie is died, when she's in Australia. she's only 7 years old when she died.

It's impossible that she's alive, maybe they we're same name and age. but i will told about this to dad.

Pagkatapos namin kumain, ay nagtanong tanong kami kay Valerie kung bakit sya puno nang saksak at pasa.

“L-lagi po kase ako binubugbog nang mga kuya ko s-simula nang mamatay ang mga magulang n-namin, ako po kase a-ang sinisisi nila. dahil sa p-pagkamatay nila.”turan nito nang mangiyak-ngiyak.

“Ano ba ang pangalan nang mga magulang mo?”tanong sakanya ni Dianne.

“ Rosa at Daine po, ayaw ko na nga pong umuwi samin eh”saad nitong umiiyak.

“S-saan ka nyan tutuloy ija?”sambit ni Dianne.

“H-hindi ko po alam, pero pwede po bang sumama sainyo. ayaw ko na pong umuwi samin.”anya nitong nagmamakaawa.

“P-pero ija? hindi ko kase alam kung pa-”anya ni Dianne ng putulin ito ni Valerie.

“Sige na po please!? kahit maging katulong nyo lang po ako, basta ayaw ko na pong bumalik samin.”turan nitong nagmamakaawa.

“Sige ija pero sa isang condo kase kami nakatira at hindi pa sa bahay namin, dahil isang buwan pa kami dito sa Davao.”pagpapaliwanag ni Dianne.

“Mahal? ako na ang kakausap sakanya, matulog kana muna doon”anya ko habang itinuro ang mahabang sofa.

“Sige.”tipid nitong turan at nahiga sa sofa.

“Ahm....valerie ganito nalang ihahatid kita sa bahay namin, meron ka naman magiging kasama doon. at isa pa kahit hindi kana maging katulong, ihahatid kita doon pag maayos na ang kalagayan mo.”pagpapaliwanag ko.

“T-talaga po!? salamat po talaga sa tulong nyo. malaking bagay po ito para sakin.”masaya nitong sambit.

“Walang ano man ija, mabuti pa mag-pahinga kana. Para gumaling ka agad.”anya ko.



*KENDRA'S POV*

Agad akong napatayo sa pagkakahiga ko ng maalalang may pasok pa ako.

Dumaretso agad ako ng banyo para maligo, nang makapagbihis na ako ay agad akong bumaba ng kwarto ko para mag almusal.

“Apo kumain kana.”aya ni lolo na syang tinanguan ko at tumabi sakin.

“Opo.”tipid kong turan at tinabihan ko si Jay.

“Jay? sabay ako sayo ah?”bulong ko rito.

“Oum..”anya nito.



Nandito na kami sa tapat ng Gate nang University. medyo na late kami ng konti kaya nagmadali kaming pumasok.

Habang papasok ako may nakabanggaan pa ako, medyo nagkatitigan kami nang matagal. nang mapagtanto kong late na ako ay umiwas na ako at tumakbo papunta sa room ko.

Nang makapasok pa ako ay nagulat pa ako dahil, nakita ko ang nakabanggaan ko, sinusundan nya ba ako?

Hindi ko na pinansin yun dahil, medyo late na ako.



*JAYVER'S POV*

Nang makapasok ako sa room ko ay laking gulat ko ng makita ko si Julia na nakaupo sa pwesto ko.

“prof? bakit nandun sya sa pwesto ko?”tanong ko sa prof namin habang tinuturo ito.

“Malabo kase ang mata nya kaya nilipat ko sya dyan, lumipat kana muna nang ibang pwesto mo.”anya nito na nagpabusangot sakin.

Wala akong nagawa kundi lumipat nang ibang pwesto.

Puro discuss lang ang ginawa ni prof dahil nag take note kami, since may Quiz daw bukas.

Agad akong lumabas nang room para mag recess, nabangga ko naman ng hindi sinasadya si Julia na syang ikinainis nya.

“Hyst! st*p*d! harang-harang kase sa daanan.”bulong nito na sya naman narinig ko.

“Ikaw nga tong harang-harang sa daanan eh, puro kase daldal ang nagagawa eh!”sambit ko na sya naman narinig nya.

“Who cares?”sarkastikong turan nito

“Pasalamat ka babae ka eh!”sigaw ko na hindi naman pinansin nang iba.

“So you are a gay? HAHAHA”turan nito at tumawa pa ng mahina.

“Ako bakla!? kung buntisin kaya kita?”anya ko at ngumisi dito habang papalapit.

“Iww! kadiri tumigil ka nga hindi ka nakakatawa.”sambit nito nang naiilang habang umaatras.

“Paano kung ayaw ko? HAHAHA.”turan ko at tumawa ng mahina.

Atras lang sya ng atras hanggang sa wala na syang maatrasan, at na-corner ko na ito.

Akmang hahalikan ko na sya, nang umalis agad ako sa harap nya.

“Sorry! hindi ako pumapatol sa katulad mo, isa pa pinsan kita.”ani ko at tumawa nang nakakaloko.

Nakita ko naman ang pagluwang nang hininga nya, dahil sa kabang nararamdaman niya.

Agad akong nagpunta ng Cafeteria.

Nakita ko naman sina, ate at ang mga kaibigan nyang sabay-sabay kumakain.

Agad akong pumunta sa gawi nila para saluhan sila.

“Ate wag kana muna sasabay umuwi mamaya sakin ah? may pupuntahan pa kasi ako”saad ko.

“Sige, wag kang magpapagabi.”paalala ko dito

“Oo.”tipid kong turan.

*HANZO SALVADOR'S POV*

Nandito kami nila shawn sa cafeteria, habang pinagmamasdan si Kendra. Hindi ko kase alam kung paano ko sya liligawan.

“Shawn? marunong kabang manligaw?”taka kong tanong.

“Hoy! Hoy! sinong pinopormahan mo ah? ligaw lang hindi mo pa alam”anya nito.

“Alam mo hindi ka nakakatulong kung aasarin mo lang ako,”turan ko.

“Sino ba kaseng liligawan mo?”tsnong nito.

“Si Kendra.”mahina kong turan.

“H-ha? diba mag pinsan kayo?”turan ko.

“Oo, tsaka alam ni Lolo ang tungkol dito sya panga ang nagsabi na ligawan ko daw sya.”paliwanag ko.

“So bakit hindi ka sakanya maghingi nang advice?”ani nito.

“Ikaw nalang marami ka naman alam tungkol sa babae eh.”anya ko.

“Naalala mo ba na? lalaki si Kendra at hindi ko rin alam ang mga gusto nya.”sambit nito.

“F-ck! anong gagawin ko nyan?

“Alamin mo kung ano ang mga bagay na hilig nya.”turan nito.

“Sige, susubukan ko.”anya ko nagpatuloy sa pagsubo.

Nang matapos na kami sa pagkain ay dumaretso agad ako kami sa aming room

Habang nasa kalagitnaan kami nang discussion, nang may mapansin akong kakaiba. dahil kanina pa kase nakatitig yung transferred kay Kendra.

Isinawalang bahala ko nalang ito at nakinig kay prof.

(Dismiss)

Cont-

📌:

::Wrong spelling can disappear
:: Vulgar word can disappear
:: Bad words can be put a asterisk
:: Wrong grammar can disappear

Note: kung sakaling may typo or maling words and grammar kindly correct me po.

Kindly! Support me, para sa susunod na chapter thank you!

29/11/2023

- Hello maybe makakapag post na ako nowadays, maybe mamayang 5 or 6 pm ko mapopost yung chapter 31. Sana may supporters pa ako🥰

Address

Manila

Opening Hours

Monday 2pm - 5pm
Tuesday 2pm - 5pm
Wednesday 2pm - 5pm
Thursday 2pm - 5pm
Friday 2pm - 5pm
Saturday 2pm - 5pm
Sunday 2pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Astraea Nyx Phoebe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share