18/10/2025
Ang talino talaga ng anak ko π.
Nung isang araw napansin ko na may toy na naman syang nasira. Hindi ko alam kung anong toy yun, ang akala ko is isa sa mga truck niya. Pero kagabi habang nagtatrabaho ako, inabot niya sakin tong plane tapos yung maliit na item tapos tinanong ko pa siya "Oh ano to? Para san to?" Nag gesture sya ng gaanito ππ. Napa "Ohhhhhh!" ako ng ma realize na nahanap niya ang plane ng black wing na to. Dun ko lang din na realize na wing pala yun π.
Eventually, na figure out ko naman paano siya ayusin. Tapos ayun, bumalik sya sa paglalaro habang amazed ako kasi di ko akalain na alam nya kung anong piece iyon dahil magkahiwalay na yung wing sa plane ng ilang araw.