25/05/2026
“I MIGHT VOTE FOR VP SARA”
Ito ang pahayag ni Sen. Tito Sotto habang nililinaw niyang wala siyang kinalaman sa mga alegasyon kaugnay ng umano’y Charter Change at 2028 no-election plans.
♦️ 𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 👉 https://tinyurl.com/382wpdsc
Sa gitna ng umiinit na usapin matapos ang naging video presentation ni Senadora Imee Marcos tungkol sa umano’y term extension at constitutional amendments, iginiit ni Sotto na hindi siya bahagi ng anumang plano upang maantala o hindi matuloy ang 2028 elections.
“I have nothing to do with the proposal for any elections of Sara Duterte in 2028,” ani Sotto.
(“Wala akong kinalaman sa anumang panukala kaugnay ng eleksyon ni Sara Duterte sa 2028.”)
“For all you know, I might vote for her,” dagdag niya.
(“Sa totoo lang, posible pa ngang iboto ko siya.”)
♦️ 𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 👉 https://tinyurl.com/382wpdsc
Ayon kay Sotto, hindi umano tamang idawit siya sa mga alegasyon dahil lamang sa may mga pagpupulong o diskusyong kanyang nadaluhan.
“Hindi puwedeng porket pinag-uusapan, narinig mo eh yun na kaagad, at tsaka lalabas dito na para bang ako’y nakikiisa,” paliwanag niya.
Mariin din niyang itinanggi na siya ay pabor sa Charter Change,
“Hindi ako pabor sa Cha-cha. Ang kailangan natin, cha-cha, character change,” aniya.
♦️ 𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 👉 https://tinyurl.com/382wpdsc