31/08/2026
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ | Ang Pait, Tamis, Init, at Lamig ng Kape
Madiin pa ang kagat ng dilim,
bumangon na ako sa k**aโnagising mula sa batingting ng alarma.
โMay mga bagay na kayang bilangin ang makina,
pero hindi kayang namnamin
gaya ng katawang nanlulumo sa kahapong pagod na dala.
Bagsak ang katawan; mugto ang mga mata.
Napabuntong-hininga, sabay sabing โbagong araw na pala.โ
Pero โdi bale na.
Tara? Samahan mo โko magtimpla?
Mula sa pagkakalugmok โko sa k**a,
kinuha โko ang tasa.
Katuwang โkong maituturing bago sumilip ang sinag ng araw sa bintana.
Siguro ay tanda na niya ang mga pagsasaulong aking inulit-ulit ba.
Sumenyas ang takuring pinaglumaan na.
โPwede na! Pwede na! Ibuhos na! Sipol niya.
At sa pagdaloy ng kumukulong tubig sa aking tasa,
gisingin sana ang tulog โkong diwa pa
at magmitsa ng bagong pag-asa.
Sanay ako sa timplang tantsa-tantsa.
Sa asukal na minsan ay sobra
O โdi kaya naman mapait sa panlasa.
At kung gugustuhin, pwede โko namang itanong sa makina.
Sa AI,
sa Chatgpt,
sa Gemini ang swak na dami ng asukal
o kung tumpak na ba ang temperatura ng tubig kapag ito ay bumukal.
Ngunit hindi nito matutukoy kung bakit ako mulat.
Sa pagbabasa ng mga makakapal na aklat
at sipag na walang katapat.
Hindi nito maiintindihan
kung bakit minsan,
Sa bigat ng aking pasan-pasan
kape ang aking kaibigan.
Kung bakit bukas, muli akong magtitimpla upang ituring itong sandalan.
Dahil tulad ng pagkapaso ng aking labi sa init ng timpla,
sa pagtaas ng enerhiya dahil sa tamis ng kapeng sa asukal ay napasobra.
At sa nagpakurot ng mukha sa pait ng barakong ipaglalaban ka.
Hinding-hindi matitikman at
malalasap ng AI ang paso ng pagpupursigi,
pait ng landas,
at tamis ng tagumpay.
Matamis, mapait, maiinit, minsan malamig.
๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฎ.
๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ผ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ.
๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ต๐ฎ๐ป.
๐๏ธIsinulat ni: Nazer Niรฑo Layson
๐จDibuho ni: Alexis Magno
โโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโ
The Bedan Lamp, ang Opsiyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng San Beda University - College of Nursing ay nakikiisa sa isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang: โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ. Mabuhay ang Wikang Filipino at mga Katutubong Wika!