06/05/2026
Naglalambing si nanay, papabili daw sya ng Aircon sakin. Gusto nya daw ng aircon sa kwarto nya kasi ang init. Sabi ko naman magpalakas ka lang kahit kasing laki ng aircon na pangmall bibilhin natin. Natawa sya, pero kahit ganon nasaksihan ko yung pagsigaw ng sakit nya.
Kung sino man madaanan ng post ko na ito, baka pwede isama nyo si nanay ko sa prayers nyo. Tsaka baka pwede palambing akin na muna mga wish nyo, ihihiling ko lang sya kay Lord.
Alam ko hindi ako mabuting apo, anak at tao pero isa sa masisiguro ko mabuting tao si nanay ko. Sya yung sandigan namin nung broken family kami. Sya yung taong kahit last money nya na handa nyang ibigay para makapag meryenda lang yung apo nya. Sya din yung kakampi namin kapag papaluin na kami. Sya din yung taong unang masaya kapag may nangyayaring maganda sa buhay ko at isa sa nagagalit kapag masama ang loob ko. Ang taong nakakaintindi din ng saltik ko. Ang taong isa sa dahilan ng aking lakas.
Deserve nya ng magandang buhay, kaya kung totoo ang himala sana isa kami sa makasaksi neto.