Miimom Ar 'Series

Miimom Ar 'Series MakatANG INA📝❣️

“Dapat Kaya Rin Niya”Dapat kaya mong umalis kahit saglit,Nang ‘di ka uuwi sa gulong kapalit.Walang tanong kung anong iha...
29/07/2025

“Dapat Kaya Rin Niya”

Dapat kaya mong umalis kahit saglit,
Nang ‘di ka uuwi sa gulong kapalit.
Walang tanong kung anong ihahain,
Walang sunod-sunod na kailangang sabihin.

Dahil hindi siya yaya — ama siya.

Diyan siya nakatira.
Kilala niya ang mga bata.
Dapat alam niya ang mga pangunahing kailangang ayusin—
nang ‘di parang pabor lang sayo
o may inaasahang papuri sa bawat simpleng gawain.

Hindi siya yaya — ama siya!.
Kaya’t dapat alam ang simpleng gawa.
Hindi kailangang may utos at pruweba,
Pagmamahal niya’y dapat kusa, hindi pabor o dusa.

Kung pag-alis mo’y parang may iniwang bata,
At pagbalik mo’y may lalaking hindi na makata—
May kulang, may mali sa salitang ama,
Pagkat ang pagiging tatay,
ay hindi lang tuwing wala ka.

📝 ~ Miimom Ar

゚

“Kapayapaan”Ngayon ko lang hinangad ang ganito,Ang kapayapaang buo — tahimik at totoo.Hindi lang basta katahimikan ang n...
27/07/2025

“Kapayapaan”

Ngayon ko lang hinangad ang ganito,
Ang kapayapaang buo — tahimik at totoo.
Hindi lang basta katahimikan ang nais,
Kundi isip na payapa, katawan na panatag ang hibis.

Gusto ko ng tahanang hindi sigaw ang tunog,
Kundi halakhak ng anak, haplos na malambot.
Gusto ko ng umagang banayad ang simoy,
Hindi ’yung pagod na damdami’y gumuguhoy.

Gusto ko ng hapon na dahan-dahan ang ikot,
At gabi na tawanan ang tanging sumisiglot.
Hindi ko nais ang araw na habulan ng oras,
Gusto ko ng sandaling hindi hinahabol ng bukas.

Sabi nila, ang kapayapaan ay nasa katahimikan—
Pero ngayon, alam ko na, hindi ’yon ang kabuuan.
Matatagpuan din ito sa lakas ng pagtanggi,
Sa pagprotekta sa sarili, at sa aking mga tinatangi

Sa pagpili ng lambing kaysa galit,
Sa pagtahak sa landas na hindi palaging mabilis.
Sa pagpili ng ako — at hindi ang lahat,
Sa pagyakap sa ngayon, kahit minsa’y salat.

Ngayong ina na, maingay ang mundo ko.
Ngunit natuto akong piliin ang tahimik kong puso.
Hindi lang sa katahimikan ito nakukuha,
Kundi sa “hindi” na may dangal at kusa.

📝~ Miimom Ar

“Tahimik ang Aking Hangganan”Hindi mahalaga kung sino ka.Kadugo.Kaibigan.Kamag-anak.Kapag toxic ka —hindi ka makakalapit...
26/07/2025

“Tahimik ang Aking Hangganan”

Hindi mahalaga kung sino ka.
Kadugo.
Kaibigan.
Kamag-anak.
Kapag toxic ka —
hindi ka makakalapit
sa pamilya kong iniingatan.

Pinipili ko ang kapayapaan.
Ang katahimikan sa loob ng bahay,
ang ngiti ng mga anak ko,
at ang mundong binubuo naming may pag-ibig.

Hindi ko ito isusugal
para lang hindi ka mainis.
Oo, may masasaktan.
May mapipikon.
Pero mas okay na ‘yun
kaysa hayaang pumasok ang gulo
sa lugar na sinacrifice ko ang lahat para buuin.

Hindi mahalaga kung gaano tayo katagal magkakilala.
O kung anong titulo mo sa buhay ko.
Matanda ka man na walang pinagkatandaan.
Kapag dala mo ay drama,
manipulasyon,
guilt trips,
masamang enerhiya,
at paninira ng pamilya —
sorry.
Sarado ang pintuan.

Wala kang puwang
sa tahanang pinuno namin ng pagmamahalan,
ng sigla,
ng katahimikan.
Kung hindi ka makakadagdag sa liwanag,
huwag kang magdala ng ulap.

Sa bahay kong ito,
ang boundaries ay respeto.
Proteksyon.
Pagmamahal sa sarili.

At kung ako ang “masama” sa mata mo,
kung tingin mo’y “masungit” ako o “bastos”—
bahala ka na.
Basta ang mahal ko,
ligtas!.
Ang pamilya ko,
buo!.

Sa tahanan kong ito,
Kapayapaan ang hari at reyna.
At ang sinumang sisira sa liwanag,
Hindi kailanman makakatapak rito.

~Miimom Ar.

20/06/2025

EXPECTATION vs REALITY talaga!😂

15/06/2025
Ay suskupo kapag nasigbin pa Wala ng pasecond second chances! Wala na yun sa plataporma ko ngayon.!😌
26/05/2025

Ay suskupo kapag nasigbin pa Wala ng pasecond second chances! Wala na yun sa plataporma ko ngayon.!😌

06/05/2025

It was a heartbreaking viral post from a mother named Jerlyn Joy Silva. She shared CCTV footage of her husband abusing her and their daughter. Watching that made me feel sick, seeing that post where it’s not just emotional pain but actual physical abuse, it’s just too much. So here’s what I want to say: if you’re not happy in your relationship or marriage anymore, just leave. Seriously. Walk away. Don’t stay and make it worse. Don’t cheat. Don’t lie. And definitely don’t hurt the person physically or emotionally. That’s not love. That’s just cruelty. It’s okay to outgrow someone. It’s okay if things don’t work out. But what’s not okay is staying and making someone else’s life miserable because you’re too afraid or lazy to leave. You’re not doing anyone any favors by staying in something that’s already broken. Have the decency to walk away. Everyone deserves peace, love, and respect. If you can’t give that anymore, then let them go. Don’t turn your unhappiness into someone else’s trauma. Choose kindness, even when it’s hard. To this kind of BOY! You f@ck!n don’t deserve a family ! You monster boy go to hell!! Violence is not love! 💕 NO women deserves to be treated like this in a relationship🤬Ctto. ゚viralシfypシ゚viralシalシ

For now. I’M A MOM”. 💯❤️
05/05/2025

For now. I’M A MOM”. 💯❤️

"PANSIN MO BA KAPAG MASAYA KA, MAS MASAYA YUNG MISIS MO? KAPAG GALIT KA, MAS GALIT YUNG MISIS MO?""That's how women work...
29/04/2025

"PANSIN MO BA KAPAG MASAYA KA, MAS MASAYA YUNG MISIS MO? KAPAG GALIT KA, MAS GALIT YUNG MISIS MO?"

"That's how women work—they reciprocate. Kaya kapag ginawa mong miserable yung buhay nila, mas magiging miserable yung buhay mo.

But if you take care of them, love them the right way, and fill their life with happiness, they’ll give it back to you twice as much.

Kaya kung gusto mong magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, magsimula ka sa sarili mo. Maging mabuting asawa, maging mapagmahal na partner.

Dahil sa dulo, ang pagmamahal na binibigay mo ay babalik sa'yo—mas matamis, mas totoo, at mas puno ng saya...

Address

Manila

Telephone

+639753404728

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Miimom Ar 'Series posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Miimom Ar 'Series:

Share