08/06/2026
Kume, iaabot na lang ba ang Best Import kay Justin Brownlee? Walang kahirap-hirap na desisyon! Rules ng PBA, basura nga ba? 🫠👎
Sa Game 4 na igagawad ang BPC at Best Import. Sa pagkakataong ito, mukhang lopsided na ang labanan para sa Best Import, lalo na at hindi eligible si Bol Bol para sa parangal.
Nasayang ang halos buong season na paglalaro ni Bol Bol dahil hindi na ito eligible sa award, samantalang ang import na naglaro lamang ng tatlong beses (Gardner), siya pa ang naging eligible.
Lalong naging automatic ang award na ito para kay Justin "Noypi", una sa lahat, tinalo niya sa series ang katunggali na si Johnson, at sina McCullough at Gardner naman ay pawang kakalaro lamang sa Conference.
Sa palagay niyo? Dapat bang ibasura ng PBA ang rule na ito?