29/10/2024
Ganda sana kung supermoto set-up noh? Pogi! Mala-motard ang dating sana... pero,
Etong mga ganitong motor ay ni-disenyo para sa maputik at bato-batong daanan. Yung 150cc engine power nya sapat na para sa kagaya kong baguhan sa trail riding (yung iba nga magaling na, eto parin ang mas gusto nila gamitin sa mga napapanuod ko online) dahil nasa skill ng rider naman lagi, wala sa motor yan.
122kg wet lang sya, sobrang gaan. Pag nabagsak mo, d ka masyado hirap itayo ulit. Sobrang gaan imaniobra sa mga obstacles sa trail. Maganda yung balanse ng motor basta marunong ka pumwesto.
Nakita mo yung ground clearance? 285mm yan, ang taas nun! Halos sa malalalim na putik kayang kaya daanan at medyo malalaking bato, lalo na lalagyan mo pa ng skid plate.
Tignan mo yung gulong nya, 21-18 rim set, semi knobby tires (may mas knobby pa kasi dyan ang alam ko), as stock out of the dealership, masasabi kong trail ready ito. Sa baguhan na tulad ko, d ako nahirapan mag adjust sa riding style ko sa patag na kalsada vs sa putikan at bato bato. As in it will save you from a lot of possible slides and fall. Ang galing!
Showa suspension harap at likod, grabe, wala ata akong dinahan dahan na humps paalis at pauwe samin lagi simula nung nagkaron ako nito 🤣 ang sarap tumayo at icompress bago dumaan sa humps parang tatalon sya tas pag bagsak, parang wala lang 😅 dual disc brake pa! Waaaah!
Kita mo yung upuan? Mukang matigas at masakit sa pwet? Sa trail kasi mas okay naka tayo ka para sa balanse at diskarte. Mas pansinin mo yung kitid ng mid fairings nya kung nasaan ang center of mass ng motor pantay sa foot pegs, pag tayo mo derecho at balanse sya, hnd nakakailang. Pag upo mo naman, pwede ka sa harapan banda, mabilis kadin makakalipat sa likuran banda, depende sa dadaanan mo sa trail, yun ang purpose nyan, confidence/flexibility... never comfort.
Pagbili mo nito, palit ka agad ng handlebars. Mabilis kasi mabengkong pag nabagsak ka. Pati mas makapal na chain siguro.
San ako pinaka na-amaze? Yung mga tapalodo nya! 🤣 sa dami naming dinaanan na putikan, wala akong putik sa damit kundi sa sapatos lang. Makikita mo din yung motor sa baba lang sya madumi, pero yung taas super linis, ang galing!
Ang taas ng tambucho, parang snorkel 😅 may bago nga pala tayong stock kalkal pipe quick vlog/reel nyan sa YouTube channel natin, check it out!
Hindi ko sinasabing hindi ko ito i-supermoto set-up, gagawin ko yun, excited ako dun, pero siguro mas kelangan ko muna makilala tong motor na to sa kung saan talaga sya dapat ginagamit. 🔥 salamat sa mga tropa kong sinasamahan ako sa trail para sa kakaibang experience naman sa pagmomotor. A lot to learn and digest pa. Ang sarap lang talaga mag motor eh 🤷