01/11/2025
Ang Balita Opinyon at Talakayan ...
ay nakikiisa sa paggunita sa araw ng mga yumao...
Ipinagdiriwang natin ngayon ang araw ng mga Santo (na yumao) nating mahal sa buhay at ganoon din sa mga hindi natin kilala na nauna sa atin sa mundo at sa bago pa lamang namatay...
Alalahanin natin sila na minsan ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon na naging dahilan upang tayo ay mangarap, magsikap, magtiis at magsakripisyo upang makamit ang mga biyaya na ginabayan ng Diyos.
Patuloy nating isabuhay ang kanilang mga magagandang halimbawa na ibinahagi at itinuro sa atin noong sila ay nabubuhay pa na naging daan upang tayo ay magtagumpay at tumayo sa sarili nating mga paa at mamuhay ng may pananampalataya upang makamit ang pag-asa araw-araw, at harapin ang buhay na may tapang, pagtitiis gaya ng isinabuhay nila noon at ngayon ay naroroon na sa piling ng ating Panginoon.
Patuloy po nating ipagdasal ang kanilang kaluluwa para sa kanilang kaluwalhatian.🙏🙏🙏
in Loving Memory of our beloved parents, brothers, sisters, relatives and friends,,,
Journey well and Rest in Peace