Takbong Responde

Takbong Responde For Sponsorship, Advertisement and other kindly message us. Thank you

Ang gusto ng mga Pulpol na grupo Ipatanggal sa MMDA Si Sir Gabriel Go dahil kesyo bastos daw etc.Naisip ba ng mga pulpol...
15/07/2026

Ang gusto ng mga Pulpol na grupo Ipatanggal sa MMDA Si Sir Gabriel Go dahil kesyo bastos daw etc.

Naisip ba ng mga pulpol na ito na kaya lang naman sila nag iiyakan ngayon ay dahil malamang isa din sila sa mga TRAFFIC LAW VIOLATORS!

Walang paglalagyan yung mga nagseserbisyo sa gobyerno sa inyo mga hinayupak kayo! Kapag walang document o video sasabihin nyo walang ginagawa ang nasa gobyerno at nababayaran pero kapag nandyan at meron kayong nakikitang ginagawa sasabihin nyo mali dahil kesyo may naaapakang tao! Pangmamaliit, pamamahiya o ano pa man ba talaga ang nalabag? O naapakan lang ang EGO ninyong mga hindot kayo?

Matagal ng ginagawa yan ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno ang pagvivideo o pagpapakita sa publiko ng mga may ginawang paglabag sa batas, pinapangalanan pa nga at inihaharap sa media pero bakit itong pangyayari lang sa teacher kayo ngayon nagsasalita? Dahil ano? Dahil teacher? O sadyang nakahanap lang kayo ng idadahilan dahil may mga nasagasaan siguro sa inyo si Gabriel Go

Aminin na natin ang realidad di naman kayo mag ngangakngak kung walang malalim na dahilan at kaya ginagamit nyo ang insidente ng sa teacher ay dahil gusto nyo gumanti at matanggal ang taong gumagawa lang ng maayos sa trabaho niya!

Walang masama sa sinabi ni Sir Go sadyang masakit lang ang pagkakasabi ng KATOTOHANAN may kasabihan nga "MASAKIT MAN PERO YAN ANG TOTOO"

May mga nagsasabi nandun na daw sa sitwasyon na may mali ang teacher pero hindi daw dapat pinahiya! Sus style nyo bulok! Walang pamamahiya dun bakit ngayon lang kayo nagsasalita samantalang halos araw araw ibat ibang tao napagsasabihan ni Sir Go sa mga video nya tuwang tuwa pa nga kayo sabay yung iba nagcocomment pa ng "DESERVE KAMOTE KASI"

Yung gusto nitong mga pulpol bebeyhin ang mga LAW VIOLATORS!

Yung iba sinasabi na kapag mababang tao daw kayang pagsabihan at ipahiya kesyo ganito kesyo ganyan pero si Gov Chavit Singson daw puro "Po" at "Opo" kung di naman talaga kayo pulpol di naman si Gov Singson ang nagmamaneho kundi ang driver nya nag nagkamali at sinabi nga mismo ni Gov Singson na tiketan yung driver nya! Malamang alangan naman si Gov Singson ang pagsasabihan ni Sir Go gayong di naman sya ang may hawak ng manibela!

Yung mga nagmamalinis diyan gusto pabeybi pero kung makapagmura naman sa mga video post nyo mga peste kayo feeling entitled lang? Ayaw daw ng namamahiya pero siya mismo kuntodo makapagmura at makapanglait! Mg ipokrito! Mga plastic! Kupal!

Kapag ang pamunuan ng MMDA nakinig sa mga grupong pulpol na yan at inalis ninyo si Sir Gabriel Go sa posisyon isa lang ibig sabihin niyan, Mawawalan kayo ng mga maaayos at matitinong mga kasama na gumagawa ng tama sa pagseserbisyo publiko! At babalik na naman ang mga magigiting at ngiting a*o ng mga tiwali at law violators sa kalsada!.

Ipagpatuloy ang pagsasaayos ng metro manila

23/06/2026

Hindi nakakatuwa! Nabulabog ang mga fire brigades dahil may caller na may 10-70 sa MRT GUADALUPE STATION dapat may coordination na may gagawin na ganyan dyan! Dahil sa bulabog nasayang ang resources lalo na ga*olina ng mga fire trucks na rumesponde! Posible pang maging dahilan yan ng delay at may mapahamak sa mas nangangailangan ng totoong responde ng bumbero dahil sa ginawa na yan! Kaya di nakakatuwa!



Video Credit to the owner: Kerv Mary

20/03/2026

Republic Act No. 4136, Motorists must immediately pull over to the right side, stop, and yield the right of way to ambulances, police cars, and fire trucks with activated sirens and flashing lights

Huwag pong maging kamote! Pinahinto kana ng Traffic Law Enforcer at alam mong may ambulance na naka full siren nakipagsabayan ka pa talaga!. Yung ganyang ugali sa kalsada nakakadisgrasya at nakakapahamak! Imbes makatulong.

Kapag may emergency vehicles magbigay daan tayo dahil buhay o at ari a***n ang pwedeng maisalba sa mga ganitong senaryo.

26/02/2026

Celebrating my 6th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Magandang araw Land Transportation Office - Philippines & Department of Health (Philippines) MMDA Hindi lingid sa kaalam...
07/02/2026

Magandang araw Land Transportation Office - Philippines & Department of Health (Philippines) MMDA

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na naglabas kayo ng panuntunan na ang mga tinatawag na Patient Transport Vehicles o PTV ay hindi maaaring lagyan o gumamit ng Blinker Lights / Strobe Lights at Siren pero sa kalagayan ng ating mga Barangay alam naman natin na halos o karamihan sa mga yan ay ginagamit nila para rumesponde at magbigay serbisyo sa mga nangangailangan sa kanila para maihatid sa pinakamalapit na pagamutan o hospital. Hindi nyo po ba naisip na yan ang mga ginagamit na sasakyan ng mga first responders para makasagip ng buhay, paano na lamang kung ang pasyente nila ay kritikal kung sa ambulance o fire truck nga na mayroon ng blinkers at siren ay hindi pa minsan pinagbibigyan sa daan ng ibang mga motorista paano nalang yung mga wala nito? Siguradong mas lumala ang lagay o ang mas masakit pa nito ay mamatay ang pasyente na kanilang dala. Patungkol naman sa pagdaan ng mga Emergency Vehicles sa EDSA Bus Lane baka naman kung maaari ay huwag pagbigyan o payagan na dumaan ang mga ito sa Bus Lane kahit walang laman dahil alam naman natin na karamihan din sa mga Barangay sa Metro Manila lalo na sa mga kalapit bayan o probinsya ay nag iisa lang ang kanilang Emergency Vehicles at PTV pa na kinakailangang makabalik agad sa kanilang area of responsibility para muling makatugon sa tawag ng emergency. Sana ay isaalang alang nyo sana ang mga mungkahi naming mga nasa FIRE AND RESCUE, mapa Barangay, DRRM at Volunteers upang maiwasan na ang kalituhan at pambabatikos sa aming hanay. Hangad lamang po namin na maglingkod at makatulong sa kapwa at pang unawa nyo po ang aming hangad.

Para naman po sa National Liga Ng Mga Barangay Sa Pilipinas Office NDRRMC Senate of the Philippines House of Representatives of the Philippines

Baka naman po maaaring mabigyan pansin ang Magna Carta ng mga DRRM WORKERS at mabigyan pansin din na mapaganda ang serbisyo ng mga Barangay pagdating sa FIRE at MEDICAL RESPONDERS.

Karamihan sa Barangay ay Patient Transport Vehicles ang gamit sa pagresponde pagdating sa medical na kung saan ay pinagbabawalan na gumamit ng blinkers at siren sa panuntunan na inilabas ng DOH at LTO at kung gusto naman ng barangay na magkaroon ng accredited na ambulance ay hindi kinakaya dahil sa dami ng requirements lalo na sa mga magiging tao sa loob ng ambulance na kinakailangan ay may EMT o NURSE na kasama. Alam naman natin na hindi ito kayang suwelduhan ng Barangay dahil hindi naman ganun kalaki ang nakukuha ng mga empleyado at napakaliit lang ng honorarium sa mga barangay personnel. Sana ay mabigyan pansin ito kung paano tutugunan ng mga nakaupo sa gobyerno.

Maraming Salamat po.

- Admin 3

Address

Manila

Telephone

+639062765891

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Takbong Responde posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Takbong Responde:

Shortcuts

Share