Anyare

Anyare Anong nangyari? Anong anyare? Dito mo malalaman.

GENERAL ROMERO, BIGLANG NAGRETIROBiglang nagretiro sa AFP Reserve Force si dating congressman at Philippine Air Force Re...
20/08/2026

GENERAL ROMERO, BIGLANG NAGRETIRO

Biglang nagretiro sa AFP Reserve Force si dating congressman at Philippine Air Force Reserve Brig. Gen. Michael “Mikee” Romero, kasabay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang mga military medal, badge, at decoration.

Nagbitiw din si Romero bilang Wing Commander ng Tactical Operations Wing Reserve–Northern Luzon, na naging epektibo noong Agosto 19.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Romero:

“My service in uniform may come to an end. My duty to our people, our sovereignty, our flag, and our country will endure.”

Dumating ang kanyang pagreretiro anim na araw lamang matapos kumpirmahin ng Commission on Appointments ang kanyang promotion bilang brigadier general noong Agosto 13.

Bago ito, naging viral ang mga pagkuwestiyon ng ilang personalidad, kabilang si retired Maj. Gen. Romeo Poquiz, sa dami at uri ng mga parangal ni Romero.

“Peke yan o kung hindi man, dalawa singko ang award. Binaboy ang AFP Awards and Decorations system,” ani Poquiz.

Partikular ding kinuwestiyon ni Poquiz ang umano’y Gold Cross Medal. Kalaunan, itinanggi naman ni Romero na mayroon o nakatanggap siya ng naturang medalya.

Nauna ring iginiit ni Romero na ang kanyang mga lehitimong parangal ay kusang ipinagkaloob sa kanya batay sa kanyang serbisyo at hindi niya hiningi o ipinakiusap.

Gayunman, hindi sinabi ni Romero na ang kanyang pagreretiro ay dulot ng kontrobersiya sa kanyang mga military decorations.

GUANZON KAY GUTEZA: “SINUNGALING KA!”Mariing itinanggi ni dating COA/Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang alega...
20/08/2026

GUANZON KAY GUTEZA: “SINUNGALING KA!”

Mariing itinanggi ni dating COA/Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang alegasyon ni retired Marine Sgt. Orly Guteza na may nag-alok umano sa kanya ng contact number ni Guanzon upang tumulong sa pagrebisa ng affidavit na gagamitin sa pagsasampa ng kaso.

Diretsahang banat ni Guanzon:

“Sinungaling ka, Guteza. Why will I even have anything to do with a lowlife like you?”

(“Sinungaling ka, Guteza. Bakit ako magkakaroon ng anumang pakialam sa isang mababang uri ng taong katulad mo?”)

Iginiit din ni Guanzon na hindi na siya nagpa-practice ng abogasya at hindi siya consultant ni Sen. Rodante Marcoleta.

“I am not a consultant of Sen. Marcoleta and I don’t practice law anymore, you lying effing idiot,” saad niya.

Sa hiwalay na video, kinuwestiyon din ni Guanzon ang kredibilidad ni Guteza at hinamon itong magsabi ng totoo.

“Sabihin mo ang totoo! Siyempre mas mabigat ang maleta,” ani Guanzon.

Kasabay nito, kinuwestiyon niya kung sino umano ang nasa likod ng pagbawi ni Guteza sa kanyang naunang testimonya.

Nanawagan din si Guanzon sa Ombudsman na isama si Guteza bilang akusado sa plunder case laban kay dating House Speaker Martin Romualdez bilang umano’y conspirator.

Nauna nang sinabi ni Guteza sa kanyang recantation na may tumawag umano mula sa opisina ni Sen. Marcoleta at nagbigay sa kanya ng numero ng isang “Atty. Guanzon.” Ayon kay Guteza, hindi niya naman kinontak ang naturang numero. Mariin namang itinanggi ni Guanzon ang mga alegasyong ito.

JONVIC, NAIS MAGLAGAY NG MGA BARANGAY TANOD SA MGA PAARALANIminungkahi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na payagang magk...
20/08/2026

JONVIC, NAIS MAGLAGAY NG MGA BARANGAY TANOD SA MGA PAARALAN

Iminungkahi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na payagang magkaroon ng mga barangay tanod station sa loob ng mga paaralan bilang dagdag na security measure kasunod ng insidente ng pamamaril sa Zamboanga.

Ayon kay Remulla:

“Kasi ang mga barangay tanod kilala nila ’yang mga batang ’yan, puwede nilang kausapin, puwede nilang sitahin, so ’yun ang hinihiling namin na further security step na pumasok doon,” ani Remulla.

Layunin umano ng hakbang na dagdagan ang seguridad sa mga paaralan at magkaroon ng mga personnel na pamilyar sa mga estudyante at komunidad.

Ayon sa DILG, makikipag-ugnayan ito sa Department of Education para higit pang mapalakas ang seguridad at proteksyon ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang school personnel.

“ANG BABAENG BERSYON NI BBM”Binatikos ni retired Brigadier General Orlando de Leon si Palace Press Officer Claire Castro...
20/08/2026

“ANG BABAENG BERSYON NI BBM”

Binatikos ni retired Brigadier General Orlando de Leon si Palace Press Officer Claire Castro matapos nitong tumangging humingi ng paumanhin kaugnay ng kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa ilang g**o.

Sa kanyang social media post, sinabi ni De Leon:

“Claire Castro is the female version of BBM. Both are incapable of remorse,” saad ni De Leon.

(“Si Claire Castro ang babaeng bersyon ni BBM. Pareho silang walang kakayahang magsisi.”)

Nauna nang sinabi ni Castro na wala siyang dahilan upang humingi ng paumanhin dahil hindi naman umano niya sinisisi ang mga g**o. Sa halip, iginiit niyang ang dapat mag-sorry ay ang mga taong umano’y nagbigay ng “maling konteksto” sa kanyang pahayag.

Ang pahayag ni De Leon ay kanyang personal na puna sa naging paninindigan ni Castro matapos umani ng batikos ang sinabi nitong may ilang g**ong umano’y nagtuturo sa mga estudyante kung paano maging “walang modo.”

“HALATA NA SCRIPTED ANG SINASABI MO”Binatikos ni Brave14 ex-Marine Walter Manalansan si retired Marine Sgt. Orly Guteza ...
20/08/2026

“HALATA NA SCRIPTED ANG SINASABI MO”

Binatikos ni Brave14 ex-Marine Walter Manalansan si retired Marine Sgt. Orly Guteza matapos nitong bawiin ang nauna niyang testimonya kaugnay ng umano’y “maleta” cash deliveries.

Ayon kay Manalansan:

“Halata na scripted ang sinasabi mo Orly Guteza. Kung nagsasabi ka ng totoo, bakit kailangan mo pang basahin ang sasabihin mo?” ani Manalansan.

Inakusahan din niya si Guteza na umano’y nagsisinungaling kapalit ng pera.

“Dahil sa pera na binayad sa’yo, nagawa mo talagang magsinungaling,” dagdag niya.

Iginiit pa ni Manalansan na marami umano silang naihatid na “maletang pera” sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

“Sa dami-dami ng mga maletang pera na dineliver natin sa mga korap na opisyal ng gobyerno, pinasinungalingan mo.”

Nauna nang sinabi ni Guteza sa kanyang recantation na hindi totoo ang bahagi ng dati niyang salaysay tungkol sa umano’y cash deliveries kay dating House Speaker Martin Romualdez. Itinuro rin niya sina Sen. Rodante Marcoleta at dating Rep. Mike Defensor sa umano’y pagbuo ng kanyang naunang affidavit—mga alegasyong kailangan pang mapatunayan.

Samantala, nanindigan si Manalansan sa kanyang posisyon:

“Hindi natutulog ang Diyos. Mananaig pa rin ang katotohanan… hindi ninyo maloloko ang taong bayan.”

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anyare posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category