20/04/2024
RIGHT OF WAY, ANO AT BAKIT ITO MAHALAGA?
Alam niyo ba na napakahalaga ng right-of-way o ROW para maging matagumpay ang mga proyektong pang-imprastraktura ng ating pamahalaan?
Pero, ano nga ba ito?
Ang ROW ay isang legal na termino na tumutukoy sa pagkakaroon ng pahintulot o access sa lupa para sa iba't ibang layunin, tulad ng pagpapatayo ng riles, linya ng kuryente, pasilidad ng telecom, o mga pipelines.
Sa ilalim ng RA 10752, o Right-of-Way (ROW) Act, ang pamahalaan ay maaring makakuha ng karapataan sa isang property para sa mga proyekong pang-imprastraktura sa pamamagitan ng donation, negotiated sale, expropriation o iba pang modes of acquisition.
Napaka-importante nito upang maiwasan ang anumang problema.
Ang pagbibigay-prayoridad sa pagpaplano at pagkuha ng ROW ay mahalaga rin na factor para matapos sa tamang oras ang mga at hindi masayang ang pondo na inilaan dito.
Ayon kay Senator Mark Villar, nakilala bilang mahusay na dating kalihim ng DPWH, kailangan na magkaroon ang pamahalaan ng ROW committees at maging involve ang mga LGUs para ma-resolbahan ang mga problema o issue mula sa ibaba, upang mabilis na maiakyat ang mga proyekto ng pamahalaan na magpapaginhawa sa buhay ng mga Pilipino.