15/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            CHECK NYO IF NEED NYO MAG UPDATE‼️
MARINA Advisory No. 2025-40 tungkol sa NEW BASIC SAFETY TRAINING (BT) REVISION!
Ano'ng Bago sa Basic Training (BT) mo? ⚓
Ang MARINA Advisory No. 2025-40 ay nagbigay ng guidelines para sa bagong Basic Training (BT) at Updating Training nito. Ito ay dahil sa mga new safety standards na galing sa International Maritime Organization (IMO), in line sa STCW Convention at RA 10635. Ang goal? Para siguradong updated tayong lahat sa safety at makasunod sa international rules.
Sino'ng Apektado at Ano'ng Kailangan Gawin?
Ito ang summary depende sa status ng BT mo:
Status Mo ➡️ Kailangan Mong Gawin 
1- Tapos ka na sa BT, pero 'di pa nakapag-apply ng COP. 
➡️ Kailangan mo munang mag-take ng UpdatedTraining on BT-PSSR OR ng Revised Basic Training (BT) bago ka makakuha ng COP mo. 
2- May Valid COP ka na sa BT (less than 2 years ang validity remaining). 
➡️Mag-apply ka ng replacement COP at kailangan mong mag-take ng Updating Training on BT-PSSR. 
3- May Valid COP ka na sa BT (2 years or more pa ang validity). 
➡️ Okay lang, gagamitin mo pa rin ang COP mo hanggang mag-expire. PERO, kailangan mo ring i-secure ang Certificate of Training Completion galing sa Updated Training on BT-PSSR. 
4- Expired na ang COP mo OR First-time applicant ka. 
➡️ Kailangan mong mag-undergo ng Revised Basic Training (BT) para makuha ang new COP. 
5- Naka-sakay ka na ng barko BAGO mag-effective ang guideline na 'to. 
➡️ Kailangan mong mag-take ng Updating Training on BT-PSSR bago ka sumakay ulit (before your next embarkation). 
⚓️Importanteng Petsa at Responsibilidad! 🗓️ 
 * Mandatory Requirement (Simula Enero 1, 2026): Kailangan na ng lahat ng seafarer na sasampa sa barko na mayroong Updated Training on BT-PSSR OR Revised Basic Training (BT).
 * Responsibilidad ng mga Agency: Ang Manning Agencies at Shipping Companies ang mag-a-assure na ang lahat ng i-di-deploy nilang seafarer ay may valid COP in BT at nakumpleto na ang Updated Training on BT-PSSR.
In short, may bagong pagkakagastusan ✌️este pagkakaabalahan na naman tayo sa bakasyon 😂May bago at mas updated na safety trainings! Tignan mo ang status ng BT COP mo, at kung kailangan mo nang mag-Updated Training (mas maikli) o kailangang mag-Revised Basic Training (buong course ulit). Mag-prepare na bago mag-January 2026! 
Safe sailing! 🫡