30/05/2025
TAWAKKUL
"But they plan, and Allah plans, and Allah is the best of planners" -Surah Al-Anfal, 8:30
Sinong makakapagsabing aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko?
Kaya bumabalik pa rin ako sa favorite lines ni Abe (pakasorgaan ka o Allah...) sa amin nung nabubuhay pa siya hanggang sa malapit na siyang magpaalam, "Everything is under Allah's control." "Allah is the Best Planner."
Piyur dn. Not in my wildest dream... This is beyond my imagination. Nung malapit na ang exam ko, nagtataka ako sa sarili ko, bakit hindi ako makaramdam ng matinding kaba or any anxiety? Tanging naiisip ko lang lagi at natatanong sa sarili ko ay "Bakit ko pala ito ginagawa? Ano bang purpose ko talaga?"
Pangarap kong maging Doctor, Civil Engineer. Pero ni minsan sa buhay ko, hindi ko pinangarap maging Attorney, regular lawyer man yan or Shari'ah lawyer. I know tataas ang kilay ng iba diyan kasi hindi pa naman ako pumasa. Yes, I've just taken the exams, pero naniniwala akong pumasa man o hindi, yun ay isang Qadr (pre-destined) ng Allah na sadyang pagdadaanan natin sa buhay. Everything that happens in our life has a purpose. Lahat yan ay pagsubok sa atin. Gaya na lamang nitong pag-take ko ng Bar Exam. Hindi ito kasama sa plano ko. Ang tanging pangarap ko lamang noon ay pano makapag-aral ng Islamic Studies or magkaroon ng background man lang sa Arabic or sa Shari'ah. Kaya napapatanong talaga ako, if this is just really a leap of faith or one of the life detours. Since, wala nga tayong alam sa kung anong mangyayari sa buhay natin, this just happened. Marami akong pinagdadaanang struggles sa buhay, obstacles and doubts kung tutuloy pa ba ako. Pero ang ending, natuloy pa rin ako dahil yun ang isa sa mga nakasulat na mangyayari sa buhay ko.
Lagi nating sinasabing naniniwala tayo kung anuman yung Qadr sa atin ng Allah bilang isa sa 6 Pillars of Iman natin. Pero minsan, hindi natin mapanindigan bilang isang tao yung totoong TAWAKKUL. Deep down in our heart, nadadala pa rin tayo sa pressure ng ibang tao, kung ano yung mga expectations nila sa atin, kung ano yung tiwala nila o bilib natin sa sarili nating galing o kakayahan. Pero nakakalimutan nating wala tayong kakayahan o galing sa lahat kung walang permission ang Allah (s.w.t) para makamit iyon. Tanging ang Diyos lamang ang may control ng lahat.
Alhamdulillah, from these life experiences, narealize kong anuman ang hiling natin, pangarap natin o plano natin sa buhay, huwag po nating kalimutan na there's always God who already planned and designed our life. Ang mahalaga ay ginagawa po natin yung tama at best natin. Kung hindi man natin makuha ang gusto natin according to our plan, it is because Allah has already the best plan for us.
Just trust the process. Trust Allah (s.w.t).
ππ€²