04/06/2026
Liham mula sa aking Mahal na Mama
sa 22,000 na retirement fund ko ako ang gumagastos sa kuryente, pagkain at gamot ko.
Mainit sa kwarto ko pero kailangan kong tiisin kasi hindi ko kaya magbayad ng kuryente. Gusto ko kumaen ng masarap pero kailangan kong tiisin na dumating yung dalawang pamangkin kong driver kasi sa kanila kaya ko mag request na hindi ko kailangang isipin kung magagalit o wala.
Namimiss ko na mga kapatid ko pero kailangan kong tiisin dahil baka ayaw sa kanila ng mga anak ko. Kahit namimiss ko ang kapatid kong bunso, namimiss ko yung kapatid kong mataray pero nagbstay sya sakin ng matagal para alagaan ako, namimiss ko yung matapang kong kapatid kahit hindi nya ako dinalaw mahal ko sya.
baka okay na din to para makita ko si Nanay at Tatay at yung mga lalaki kong kapatid ko na paburito ako, na pagaling nagpaparamdam na mahal na mahal ako. Lalo na ang mahal kong asawa. miss na miss ko na ang aking asawa.
natatakot akong mawala, yung bunso ko baka hindi nya kayanin. yung dalawa kasi kayang kaya nila ang buhay pero iniisip ko saan ba ako nagkamali? minahal ko sila at inalagaan. hindi naman siguro ako nag kulang bilang nanay.
ibinigay namin sa kanila ang lahat. hindi kami nagkulang. hindi naman siguro.
pero papano nila na atim na hindi ako pagbigyan na madalaw sa huling pagkakataon kahit buhay pa ako. nahihiya ako kasi pera nila ang gumagalaw sakin. nagkamali ba ako? saan ba ako nagmali sa pagpapalaki sa kanila? hindi man lang nila ako nadalaw, hindi man lang nila ako napagbigyan na makasama mga nagmamahal sakin. kahit sa huling pagkakataon.
nakapa damot pala ng mga anak ko. kahit ang tatay nila ay kilalang mapagbigay kahit na ako bilang nanay ay kailangan man hindi naging madamot. Ibinigay namin ni Papa nyo ang lahat para sa inyo. Sana man lang iginalang nyo ang pagiging Kristiano ko.
Salamat sa inyong lahat.
Salamat sa pag mamahal.
salamat sa pagpapakita ng malasakit.
Napaka buti ng Diyos!