USF Confession

USF Confession Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from USF Confession, Publisher, Manila.

10/07/2026

“BILOG TALAGA ANG MUNDO KASI YUNG KAKLASE KONG DATING MATALINO, NGAYON ASA NA LANG SA ASAWA”

May reunion kaming magkaklase nung high school. Tapos may kaklase akong tawagin na lang natin Carla. Matalino siya dati. Hindi naman super matalino pero sa classroom namin siya palagi yung honor student at ginagawang example na tularan kapag pinapagalitan kami.

Naalala ko pa tuwing math groupings nagreklamo siya kasi bakit ako raw ang kagrupo niya, lugi raw kasi wala raw akong maisagot. Sabi ko lang,

“Grabe ka naman Carla, nag-aaral naman ako kahit papaano.”

Totoo naman that time nag-aaral naman ako sadyang may mga lessons lang talaga na mahirap intindihin na madali lang sa kanya.

Hindi ko yun makalimutan. Para kasi akong naliit sa sarili ko. Tapos kinukwento pa niya sa mga friends niya na wala raw akong ambag kasi ultimo basic questions hindi ko masagot at nagtatawanan pa sila. Ayaw kasi niyang natatalo ng ibang group. Gusto niya paangat lagi. Kaya pressured din kaming group members.

One time, sabi ng teacher namin turuan daw ako kasi sobrang behind ko. Tapos instead na turuan niya ako mas lamang pa ang panglalait niya kung bakit ang hina ko umintindi.

Dati rin siyang maganda at sexy kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Gusto rin niya puro matatalino at sikat yung mga friends niya. Bihira lang siya lumapit sa amin.

Fast forward to ngayon.

Ako, I have a decent job, trying to build my life. Honestly, hindi ko nga nagamit yung inaral ko na Math lessons nung high school. Nakakagala and nate-treat ko ang sarili sa kahit anong gusto ko.

Si Carla? Noong kinausap namin tungkol sa reunion sabi niya magpaalam muna raw siya sa asawa niya. Hindi rin muna siya mag-ambag kasi manghihingi pa sa asawa niya.

Nakita ko rin, may mga post siyang puro,

“Thank you, love, sa lahat ng binibigay mo.”
“Thank you, love”…
“Si hubby na bahala.”

Wala na yung dating matapang at achiever. Napasabi na lang akong, bilog talaga ang mundo. Parang wala na siyang sariling desisyon. Yung dating matalinong kaklase, ngayon naka-depende na lang sa asawa. Hindi ko alam kung naggagamit pa ba niya yung talino niyo noong kabataan namin, kasi nasa bahay lang siya kasama ang mga anak niya. Ang layo na rin ng katawan niya sa dati, parang naging haggard na rin siya.

Na-realize ko lang na dati akala ko maging successful siya sa career niya.

Pero life happened. Nainlove siya. Nagkaanak at nag-stay sa bahay. Well, choice naman niya yun.

Hindi naman pala sukatan kung gaano ka-katalino nung estudyante ka pa. Minsan, yung pinaka-ambisyosong tao, sila pa yung unang maiba ang landas. Minsan, yung pinaka-chill, sila yung pinaka-nakakatayo sa sariling paa ngayon.

Life doesn’t follow grades. Life follows choices. Kung anong desisyon mo sa buhay doon ka niya dadalhin.

Shey
**

(ito ay galing sa aming archives, na-feature months ago)


Confession #012

2 years niligawan, tapos ganito pa.. 🥹
10/07/2026

2 years niligawan, tapos ganito pa.. 🥹

“BINIRO KO ANG RK KONG MANLILIGAW, NA ‘PAG KAMI NA AT WIFE NIYA NA AKO…”

Share ko lang, manghingi na rin ng advice. May nanligaw sa 'kin before na guy. Hindi siya gwapo na mapapalingon lahat, pero sobrang green flag at mayaman. Tahimik lang, hindi mayabang, tapos consistent talaga sa panliligaw, hatid sundo for 2 years.

Di rin siya yung tipong mapilit at lagi niyang sinasabi na ok lang kung di pa ako ready. Naalala ko noon, may girl classmate akong…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

“MAY INAMIN AKO SA KA-M.U. KO 12 YEARS AGO…”Ako ay may asawa na. Lampas 5 years na rin kaming kasal at wala pa kaming an...
03/07/2026

“MAY INAMIN AKO SA KA-M.U. KO 12 YEARS AGO…”

Ako ay may asawa na. Lampas 5 years na rin kaming kasal at wala pa kaming anak. Okay naman kami ng asawa ko, pero lately parang palagi kaming nag-aaway.

May last away kami na talagang nasabi namin na parang compliance na lang kami mag-asawa. Halos weekend lang kami nagkakasama dahil sa work. Meron din siyang…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

03/07/2026

“PLEASE LANG, HUWAG NIYO IBALANDRA ANG MUKHA NG ANAK NIYO ONLINE.”

Hello. Seeking advice here.

Sinubukan kong kausapin ang sister-in-law ko kasi halos lahat na lang pinopost niya sa social media. Naaawa na ako sa pamangkin ko. Simula nang ipanganak siya hanggang ngayon, documented na halos buong buhay niya. Actually, buhay nilang magpamilya.

Nagda-daily vlog siya tungkol sa buhay nila. Supportado namin siya noong una, pero lately puro mukha na ng pamangkin ko ang laman ng content niya kasi niche daw niya ang mommies and babies. Kahit umiiyak ang pamangkin ko, naka-video pa rin. Ako na lang ang nahihiya at naaawa kasi wala nang privacy ang bata.

Paano na lang paglaki niya? Makikita niya lahat ng videos at pictures niya online. At hindi naman lahat no’n kaaya-ayang makita dahil may mga kuha rin habang umiiyak o nasa hindi magandang sitwasyon. Kawawa naman sa ganitong klaseng magulang.

Kinausap ko na siya tungkol dito. Sabi niya ililimit na raw niya, pero meron pa rin naman. Kaya nag-reply ulit ako sa story niya. Sabi ko, nakita na naman ang mukha ng pamangkin ko, ang dungis-dungis pa. Ang sagot niya, sponsored video raw kasi.

Hay… nakaka-stress.

Kinausap ko na rin ang kuya ko, pero parang wala rin siyang pakialam. Bata pa naman daw. Sinubukan ko ring ipaliwanag ang tungkol sa digital footprint, pero hindi pa rin niya gets.

Okay lang sana kung talagang yumayaman sila tulad ng ibang family content creators. Pero hindi naman. Kung nagtrabaho na lang sana si Ate, kumita pa siya nang marangal kaysa ginagamit ang bata para kumita.

Eva
19
**


Confession #008

01/07/2026

“GUSTO KO NG PATIGILIN MAGSUSTENTO SA AMIN ANG AFAM NI MISIS”

Tawagin niyo na lang akong Ed. Kinasal kami ni misis last year, pero kahit kasal na kami aware ako na nag-uusap pa rin sila ng AFAM niya. Minsan ako na lang ang umiiwas kapag nag-uusap sila baka mapaghalataan siya.

Mag-limang taon na sila, at sa mga taon na yun andito lang ako nakasuporta sa kanila. Hindi mabitawan ni misis kasi yung AFAM ang nagbabayad ng kotse namin.

May monthly amortization ang kotse ni misis na binabayaran ng AFAM. Hindi ko kasi kayang bayaran dahil nagbabayad ako ng monthly sa condo namin. Next year matatapos na mabayaran ang kotse kaya sabi ko kay misis mag lie low na.

Pipilitin kong magdagdag pa ng income para ako na magbayad lahat. Nag-ga-grab car ako pagkatapos ng trabaho at kapag day off pero kulang pa rin kaya susubukan kong magdagdag pa ng sideline.

Ang problema ko ay parang ayaw umagree ni misis. Sabi niya hindi pa raw namin kaya. Ayoko rin paabutin ng January kasi alam kong babalik dito sa Pilipinas ang AFAM at magkikita na naman sila. Kaya kahit mahirap gusto kong itigil niya na pero ayaw niyang pumayag na humantong pa sa gusto niya na lang mag cool off daw muna kami.

Mahal na mahal ko ang misis ko kaya ayoko rin siyang hiwalayan. Wala rin kaming anak kasi may PCOS sya at nagpapagaling pa.

Sana matulungan nyo ako.

Ed
**


Confession #003
Part 2 to be posted.

29/06/2026

"MGA LALAKI TALAGA..."

Swerte swerte lang talaga sa lalaki no? Naiiyak na naman ako. Huhuhu. Marami kasi akong nakikitang avocados online kaya nasabi ko sa asawa ko, "ang sarap tumira sa probinsya no? Ang mura ng avocado sa kanila." Parang nachika ko lang.

Nagulat na lang ako kinabukasan may dala siyang avocado.😭 Dalawang piraso lang kasi ang mahal daw. Naghanap pa siya ng mabilhan after ng work niya tapos may condensed at powdered milk pa. Hindi ko naman inasahan na seryosohin niya, hindi rin naman ako nanghingi kasi alam kong wala namang avocado dito sa amin. Huhuhu. Hindi ako pa ako buntis niyan ha.

If he wanted to, he would ika nga. Kaya girls, huwag puro itsura lang tignan ha, tignan niyo rin yung mga simple bagay na ginagawa ng partner niyo. It's always the simple things that will you realize na ang sarap mabuhay nang matagal. TYL!

Pat
20**
*Confidential

26/06/2026

“I SAW MY EX-BF WITH MY COLLEGE FRIEND”

Ewan ko kung valid ba feelings ko pero I was so disappointed with them. Etong college friend ay yung girl na nagtulak sa amin ng ex-bf ko before. Siya yung naging kupido sa relasyon namin. Sa kanya nanghihingi ng advice yung ex-bf ko noong nanliligaw pa and kahit mag-away kami sa kanya rin nagpapatulong.

Actually, lagi naman silang nag-uusap ng ex-bf ko nung kami pa. Pero walang malisya. Hindi ko rin naman pinagdudahan kasi friends naman sila. I mean friend naman namin.

Palagi silang nagkukulitan sa chat, reply sa stories ganun. Para sa akin normal lang naman sa mga mag-friends yun.

4 months ago naghiwalay kami ng bf ko. Pinaka main reason is para mag-grow daw ang relationship namin. Gusto niya rin daw kasing i-discover nang mag-isa ang sarili niya. I tried talking to him naman, sabi ko gawan namin ng paraan hanggang sa napagod na lang din ako kasi parang ako na lang ang nag eeffort sa relasyon namin.

2 months after namin magbreak, nakakagala na siya at mukhang masaya na siya agad sa buhay niya while ako nasa moving on stage pa rin. Palagi pa rin akong umiiyak at pinagdadasal ko pa kay Lord na sana bumalik na siya, na sana mahanap niya na sarili niya.

Then I saw them na magkasama. Yung college friend ko at ex-bf ko. Ang sweet nila, tapos doon ko na naisipan i-stalk yung college friend ko. I found out na yung ex-bf ko pala yung kasama niya lagi sa mga dates niya. Nalaman ko lang noong nag-dig deeper ako sa stories niya. Nakita ko sa reflection ng salamin yung ex-bf ko wearing the shirt na gift ko pa sa kanya.

And na-post yun 3 months ago. So kahit kakahiwalay lang pala namin, lumalabas na sila. I felt so betrayed. Nasaktan ako kasi bakit ganun siya kabilis magmove on, at bakit naman yung friend pa na yun yung ipinalit sa akin. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya kaya nasasaktan ako or nasaktan lang ego ko dahil sa pinalit sa akin.

Anw, hindi pa nila nilalabas na sila. Pero one of my friends confirmed na 3 months na sila based sa monthsarry na chinika ng girl sa friends of friends namin.

;(

Eala
20**
Confidential

“TINUPAD KO ANG HILING NG GUY WORKMATE KO KAHIT NA I’M A MARRIED WOMAN…”Hi, wala kasi akong masabihan kaya dito ko na la...
17/06/2026

“TINUPAD KO ANG HILING NG GUY WORKMATE KO KAHIT NA I’M A MARRIED WOMAN…”

Hi, wala kasi akong masabihan kaya dito ko na lang i-share. So this is my story. Sinabi ko sa 'yo na hindi ka puwedeng ma-attach sa akin because I'm a married woman.

Pero bakit ako ang sobrang na-attach sa 'yo at sobrang nasasaktan na nakikitang masiyado kang caring sa GF mo now?

July 5 nang makagawa ako ng isang napakalaking pagkakamali. Ang tuparin ang…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

“SA 6 DAYS NA DI AKO KINAUSAP NG HUSBAND KO, MAY NAG-CHAT NA ENGINEER SA ‘KIN…”Magandang araw. Pakitago na lang ako sa p...
15/06/2026

“SA 6 DAYS NA DI AKO KINAUSAP NG HUSBAND KO, MAY NAG-CHAT NA ENGINEER SA ‘KIN…”

Magandang araw. Pakitago na lang ako sa pangalang Jessica, 35 years old, may asawa at mga anak. Gusto ko lang ibahagi ang aking kuwento.

Meron akong asawang OFW, mabait, responsable, at mahal na mahal ako. Kahit naman di ako kagandahan, minahal niya pa rin ako. Nagkaroon kami ng dalawang matatalinong anak.

4 days ago…

[Read the continuation in the comment section below… 👇🏻]

"NAGING KAPITBAHAY PA NAMIN ANG EX KONG NAKAKUHA NG V KO, AT MADALAS LUMALAPIT SIYA, PERO WALA IDEA PARTNER KO NA EX KO ...
13/06/2026

"NAGING KAPITBAHAY PA NAMIN ANG EX KONG NAKAKUHA NG V KO, AT MADALAS LUMALAPIT SIYA, PERO WALA IDEA PARTNER KO NA EX KO ‘YUN..."

Hi! Just call me Elle, 23F. Way back college days, puro lang ako bahay at school routine. I was so focused on my studies to the point na kahit ka-chat, wala. Not until I met this guy named Rey (not his real name).

IDK what happened to me way back then, pero bigla ko lang ni-reply-an mga chat niya. We exchanged conversations hanggang sa pumayag akong…

[Read the continuation in the comment section below… 👇🏻]

Address

Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when USF Confession posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category